Louise POV
hindi ko alam kung bakit ako natutuwa kay Alden. Pero habang kausap ko sya, parang gumagaan ang pakiramdam ko... Siguro nga crush ko na siya. :))) kasi habang nandun siya sa harapan ko, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko :D
Pagkatapos kumain ni Alden nag-usap pa rin kami ng tungkol sa amin. Naikwento ko sa kanya na noon ay iniwan kami nung tatay ko kaya nagkaganto ang buhay namin. .... Tama na ang drama :) dapat happy na. Ang galing pala mag-jowk ni Alden, pati ang smile niya nakakahawa. Ang dimples niya kasi eh.. I wanna poke it...
Habang nag-uusap kami ni Alden, bigla naman dumating si Buboy...
Haayy.. ayoko namang saktan siya. pero sino ba talaga ang pipiliin ko sa kanilang dalawa? Si Buboy na noon ko pa kilala o si Alden na ngayon lang dumating sa buhay ko? ANg Gulo talaga ng love life ko !!! Torn between two lovers ang peg!!!
Alden: Nandito na pala si Buboy... I suppose na sinusundo ka na niya.
Louise: Uhh. Binibisita lang ako ni Buboy. Di ba Buboy?!
Buboy: Ah. Louise gusto kasi kitang yayain sa park para alam mo na makipag-date kasama ko.
Alden: Louise... Sa akin ka na lang sumama, ililibot kita sa Manila, Di ba sabi mo kanina gusto mong makapunta don?
Louise: Ahhh... kasi Buboy ...Alden, Ahhh kailangan ko pang magbenta ng espasol mamaya. alam niyo na... para may dagdag kita ako.,
Buboy: Oh. Sige, Kung gusto mo tulungan kitang magtinda.. Tulad ng dati
Alden: Wag ka nang maglako, bibilhin ko ang lahat ng yan kung sasama ka sa akin..
eto na naman si Mr. Yabang,,,
Buboy: Wag kang makinig sa mokong na iyan Louise.
Alden: Sige! Tutulungan na lang kitang magtinda rin. :)
Louise: Para walang away sumama na lang kayong dalawa sa akin. maglalako tayo.
Pagkatapos, ay sumakay kami sa isang tricycle papunta sa bahay namin.
Nandun si Inay at ang mga kapatid ko.
Inabot sa amin ni Monay at Arthur ang ititinda naming espasol...
At kaming tatlo, sabay sabay kaming naglakad. At tinitinda namin ang espasol.
Syempre tuwang tuwa naman ako kasi ako lang ang tagadala ng kita. Ang dalawang machong lalaking kasama ko ang may dala ng dalawang bilao ng espasol. ahaha
Louise: Espasol! Espasol kayo dyan oh...
sabi ko sabay hatak ng babae para bentahan ng espasol, kaya nga lang ang hina ng tinda ngayon .. ang malas naman oh! Puno pa rin ang dalawang bilao ng espasol..
Napansin ata ni Alden na malungkot ako...pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa...
Pinatigil niya kami ni Buboy., umupo siya sa isang bato at kinuha ang dalawang bilao..
Alden: Oh! kung sino ang bibili ng espasol may libreng kiss sa akin.. May libreng kiss ang bumili!!!!
Dagsa naman ang mga babaeng kanina hindi bumibili
Girl 1: Talaga?! May libreng kiss sa kanya?!
Alden: Oo, basta pila lang kayo diyan ha!