Chapter IV

22 2 0
                                    

AKO: Napa-isip lang ako Jessy. Bakit kaya nakapang-nurse ka na uniform? I mean 'matik naman na nurse ka pero kasi ako, kaya ito ang suot ko dahil ito ang paborito kong get up.

JESSY: Siguro... ito rin kasi ang paborito kong set ng damit. Feeling ko kasi isa akong superhero everytime na nakapang-nurse ako. Ganda kaya. 'Di mo ba gusto? Ang linis kaya tignan... oh. All white.

AKO: Ah, Hindi naman. Maganda naman. Napa-isip lang talaga ako.

JESSY: So... ano naman ang ginagawa mo noong normal pa ang lahat?

AKO: Huh? Paanong ginagawa?

JESSY: 'Di ba ako nurse, ikaw naman? Anong pinagkaka-abalahan mo noong hindi pa ganito ang sitwasyon?

AKO: Ah, isa akong graphic artist.

JESSY: Wow! Taray, daming pera.

AKO: Ha-ha-ha. Fake news. Hindi ganoon kalakihan ang sahod ko. Madalas nga akong kapusin sa budget eh. Partida wala pa akong luho.

JESSY: Ay, pareho pala tayo. Ako rin mababa lang ang sahod. Mahal ko lang talaga itong propesyon ko. Actually, hindi na ako nagtatrabaho dito sa ospital na nasa uniporme ko. Dapat kasi lilipad na ako patungong Canada noong araw na nagsimula maging hindi normal ang lahat. Mas maganda kasi ang offer sa akin doon. Gusto ko rin kasing maka-ipon para mabilhan ng sariling bahay sina mama at papa kaya kahit ayaw nila sa desisyon ko ay pinilit ko pa rin. Eh ito, bigla tayong na-magic. Ayun, ngangey...

Mahigit isang linggo na rin kaming magkasama ni Jessy. Palakad-lakad sa dito sa Manila, minsan sa Makati at minsan na rin kaming naka-abot sa BGC, Taguig. Pareho naming hindi alam kung paano hahanapin ang mga sagot sa mga nangyayari sa amin —o kung saan? Pero mas magaan na ngayon ang sitwasyon dahil kahit papaano ay nalaman namin na hindi pala kami nag-iisa sa ganitong sitwasyon.

Marami akong natututunan sa babaeng ito. Sobrang daldal kasi. 'Di nauubusan ng kuwento. Bawat mapansin niya sa daan ay meron siyang kuwento. Bawat makita namin eh meron siyang naaalala. Nakakatuwa ang babaeng ito. Nawawala ang pagkabagot ko sa kaniya. Pati mga alalahanin ko ay nakakalimutan ko sa kadaldalan niya.

JESSY: Oo nga... tama! Bakit ngayon lang pumasok sa isip ko 'to?

Ano na naman kaya ang naiisip nitong babaeng ito?

JESSY: Sa tagal na nating magkasama bakit hindi natin naisip na subukan maghawak kamay? Wew!

AKO: Kasi alam naman natin na hindi tayo pwedeng dumikit sa kapwa tao natin?

JESSY: Oo tama ka. Pero hindi sila pareho ng sitwasyon natin. Tayo lang dalawa ang nakakakita sa isa't isa. Kaya bakit hindi natin subukan?

AKO: Eh paano kung tumalsik tayo?

JESSY: Sabi mo nga sa akin 'di ba, "kung gaano kalakas ang puwersa ng pagdikit ay siya ring lakas ng pagtulak ng puwersa pabalik." Ibig sabihin kung babagalan lang natin pagdidikitin ang ating mga kamay ay hindi ganoon kalakas ang pagtulak ng puwersa kung hindi rin tayo pwede maghawak.

Itinaas niya paharap sa akin ang kaniyang kamay.

JESSY: Ano, game? Bilis na wala rin naman mawawala eh. Atlis sinubukan natin.

AKO: Sige na nga. Basta babagalan ko lang ah.

JESSY: Go laannnggsssss...

Habang mabagal ko na inilalapit ang kaliwa kong kamay sa kanan niyang kamay ay siyang ikinabibilis ng pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako habang kitang-kita sa pagngiti niya kung gaano siya ka-excited. Wew! Paano kung biglang may mangyaring hindi namin inaasahan? Paano kung masama ang maging resulta??? Paano kung bawal pala talaga at may matinding consequence kapag nagdikit kami??? Limang pulgada na lang ang pagitan ng mga palad namin... apat... tatlo... putek kinakabahan na talaga ako... dalawa... isa...

JESSY: ASTIIIIGGG!!! Hahahahaha!!! Pwede natin hawakan ang isa't isa! Woooooh!!! Hahahahahahaha!!!!

Oo nga nagawa namin! Hindi ako makapagsalita at nanlalaki ang mga mata ko. Hahaha. Ngayon lang ulit ako nakahawak ng kamay ng tao! Hahaha. Parang sasabog ang dibdib ko sa saya —basta sobrang saya lang.

Para kaming mga bata ni Jessy na nagtatatalon at nagsisisigaw habang magkahawak kamay. Iwinagayway pa namin ang magkahawak naming kamay na parang unang beses lang namin ito naranasan. Para kaming mga tanga pero ayos lang —wala rin naman sa amin ang nakakakita.

Simula ng malaman namin na pwede kaming magdikit ay para kaming bumalik sa pagkabata. Naglaro kami ng mataya-taya, pitik bulag, luksong baka, at chikee-chikee bomb, it's a bubublegum. Ang saya lang kasi habang naglalaro kami ay unti-unting bumabalik ang mga alaala noong ako ay bata pa...   

♫♪♫

Chikee-chikee bomb! 
It's a bubblegum! 
Masarap ito at malinamnam. 
Bumili kayo sa tindahan. 
Chikee-chikee bomb! 
It's a bubblegum!

♫♪♫   

Siguro ang lungkot ko pa rin ngayon kung hindi ko nakilala 'tong si Jessy. Simula nang makasama ko siya laging may sorpresa —lagi akong may bagong natutuklasan. Matapang siya na babae at masayahin. Palagi siyang positibo sa kabila ng mga hindi magandang nangyayari. Laki ng pasasalamat ko na nakilala ko itong babaeng ito —na siya ang binigay sa akin ng tadhana para makasama sa ganitong sitwasyon. 

Beauty in the Abyss [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon