Chapter X

18 2 0
                                    

AKO: Kung may primary dimensions ay meron ding secondary. Tinawag ito ng German paleontologist na 'reciprocal/observer dimensions.' Isipin mo ulit 'yung number line at magdagdag ka ng 'seven negative numbers' bago mag-'zero.' Ito 'yung parang salamin ng bawat primary dimension. 'One' para sa 'negative one', 'two' para sa 'negative two' at ganoon din ang mga sumunod na dimensions. Pareho ang oras at panahon ng dimensyong ito sa mga pangunahing dimensyon. Dito sa 'reciprocal dimensions' ay sobrang bigat ng mga bagay. Hindi mo mai-aangat kahit ang pinakamagaang bagay sa dimension na ito. Hindi ka rin daw pwede makipag-communicate sa mga nilalang sa dimensyong ito at kahit mahawakan sila ay bawal. Dinisenyo daw talaga ang secondary dimensions para mag-observe lang —para panoorin ang mga nilalang sa counter part nitong dimensyon. Hindi nga lang alam kung para kanino mga dimensions na ito.

JESSY: IBIG SABIHIN N'UN AY NASA 'NEGATIVE ONE DIMENSION' TAYO???!!

AKO: Kung totoo ang video, malamang 'oo' ang sagot.

JESSY: Paano raw makakalabas o makakapasok dito?

AKO: Tinanong nga rin 'yan ng scientist sa duwende kaso hindi nito sinabi ang sagot. Iba daw kasi ang mga tao. Uhaw sa kaalaman —kahit ang kapalit ay malaking kaguluhan o kasiraan ng natural na balanse ng daigdig.

JESSY: Eh 'yung scientist, nasaan na raw? Baka pwede tayong makahingi ng tulong.

AKO: Isang araw ay bigla na lang din daw nawala ang scientist. Hindi raw malaman kung saan na napunta. Sabi ng mga taong nagtatrabaho sa tinutuluyan niyang bahay-upahan para sa mga turista ay hindi naman daw siya nakitang lumabas ng bahay. Parang 'yung nangyari sa atin. Nalaman na lang daw nila ang kuwento ng German dahil sa naiwang journal nito at mga papel na may sketch ng duwende at iba pang kakaibang nilalang. Kahit hindi rin mawala ang scientist ay hindi pa rin tayo nakakasigurado na matutulungan niya tayo dahil ayon nga sa natuklasan niya, kung totoo man ito, ay hindi tayo makakapag-interact sa mga tao dito sa dimensyong ito.

JESSY: Akala ko naman makaka-alis na tayo dito sa lugar na ito. Akala ko makakabalik na tayo —hindi pa rin pala.

Kita ang pagkadismaya sa mukha ni Jessy.

AKO: 'Wag ka nang malungkot. Atlis mayroon na tayong clue kahit papaano kung ano ang nangyayari sa atin. Atlis kahit papaano, kahit hindi tayo sigurado, ay may idea na tayo.

JESSY: Kung sa bagay... tama ka. Iniisip ko lang talaga sila mama at papa. Sana talaga ay makabalik na tayo.

Hinawakan ko ang mga kamay ni Jessy at sinabing...

AKO: Makakabalik tayo —PROMISE 'YAN.

Magtatanghali na nang maka-alis kami sa bahay nila Jessy. Sumabay kaming lumabas sa mga kapatid niya na papasok na sa eskwelahan.

Habang naglalakad ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang aming nalaman. Maraming bagay ang naglalaro sa aking isipan. Kung nadiskubre ng mga duwende ang tungkol sa reciprocal dimensions tulad nito ay malamang may lagusan o pinto dito kaya sila nakakalabas-pasok sa lugar na ito —na naging dahilan ng kanilang pagkatuklas sa ganitong lugar.

Ginawa nga ba ang dimension na ito para mag-observe? Kasi para sa akin, mas mukhang ginawa ito para mang-torture. Oo, hindi kami nakakaranas ng kahit anong gutom, uhaw at pagod physically, pero mentally —oo. Gutom sa pag-asang makabalik sa mga normal naming buhay. Uhaw na muling mahawakan ang mga mahal namin —uhaw mula sa pangungulila. AT PAGOD... pagod sa kaiisip. Pagod sa walang katapusang paghahanap ng kasagutang walang katiyakan. Nakikita mong nahihirapan ang iyong pamilya ngunit wala kang magawa. Sa lugar na ito ay walang pag-asa —walang kasiguraduhan. Sa lugar na ito ay parang panghabang buhay —parang walang katapusan. Hindi ka makakaramdam ng antok —hindi ka pwedeng matulog. Parang modern version ng impyerno. Impyernong walang karagatan ng apoy pero araw-araw sinusunog ang iyong kaluluwa. Ang pagpasok sa loob ng dimensyong ito ay parang pagpasok sa walang hanggang hell —abyss. Ang mabuhay sa dimensyong ito ay parang hindi ka na rin nabubuhay. Lalong mas mahirap ang mabuhay sa lugar na ito kung ikaw ay nag-iisa —kaya malaking pasasalamat ko na natagpuan namin ni Jessy ang isa't isa.

Biglang hinawakan ni Jessy ang kamay ko...

JESSY: Kanina ka pa tahimik ah. Iniisip mo pa rin ba 'yung napanood n'yo ni Yanyan?

AKO: Oo eh. Hindi mawala sa isipan ko. Gusto ko na rin kasing makaalis sa lugar na ito.

JESSY: Basta ako naniniwala ako na makakabalik tayo. Nag-promise ka eh. May tiwala ako sayo —NANINIWALA AKO SAYO.

Ganito 'yung eksenang madalas kong makita sa mga romantic movie na napapanood ko. 'Yung tipong pinanghihinaan na ng loob 'yung bidang lalaki tapos i-e-encourage siya ng magandang bidang babae. Ito na nga 'yun! Nagkakatitigan ng matagal —check! More than 5 seconds na walang nagsasalita —check! Naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso —check! Parang bumabagal ang oras at pag-ikot ng mundo —ISANG MALAKING CHECK! At alam ko na ang susunod na eksena dito! Oo, tama! Dapat halikan ng bidang lalaki ang bidang babae. Ito na... unti-unti ko nang nilalapit ang aking mukha sa kaniyang mukha. 5 inches... 4... 3...

JESSY: Whooooops!

At bigla ngang hinarang ni Jessy ang kaniyang kamay sa aking pagmumukha.

JESSY: Tsaka na 'yan. Kapag pormal ka nang kilala ni mama at ni papa. Kapag natupad na ang pangako mo at nakabalik na tayo.

AKO: Hehehe... Akala ko ito na 'yung moment na 'yun eh. Ganito kasi 'yung mga napapanood ko sa mga palabas. Hahaha...

Napakamot na lang ako sa aking ulo.

JESSY: Easy lang, Sir. Hahaha... Kapag nakabalik na tayo at nakilala ka na nila mama at papa.

AKO: Paano kung hindi na tayo makabalik?

JESSY: Makakabalik tayo. Hehehe... Nangako ka eh. Tulad nga ng sabi ko, 'may tiwala ako sa iyo.' ♫♪♫ 'Wag ka nang malungkot... Oh praise the Lord... ♫♪♫ —I love you po...

TAMA BA 'YUNG NARINIG KO? Nag-'I love you' si Jessy? YESSSS! Hindi ko man makita ang sarili ko ay alam kong abot hanggang bumbunan na ang aking ngiti. First time siyang nag-'I love you' sa akin. Sarap pakinggan. Para akong mahahati sa dalawa. Parang sasabog ang dibdib ko.

AKO: Pwedeng paki-ulit? Hindi ko kasi masyadong narinig eh.

JESSY: ♫♪♫ 'Wag ka nang malungkot... Oh praise the Lord... ♫♪♫

AKO: Hindi 'yan. 'Yung huli mong sinabi.

JESSY: Bawal na ulitin. Bleh! Hintayin mo na lang kung kelan ulit 'yung next. Hahaha...

At nagsimula na nga kaming maglakad.

AKO: Ganoon?

Hinawakan ko ang kamay ni Jessy at sinabing...

AKO: I love you too.

Lumipas ang isang buwan. Isang buwan ng kulitan, harutan, lambingan at kwentuhan. Habang tumatagal ay mas nakikilala pa namin ang isa't isa. Mga gusto at hindi gusto. Mga hilig, paboritong genre ng music, paboritong pagkain at lugar na pinapangarap na mapuntahan. Mga embarrassing moments, kinatatakutan at kahinaan. Marami kaming natututunan about sa kaniya-kaniyang personalidad —kwento ng buhay ng bawat isa. Mas lumalim ang aming pagsasama. Habang tumatagal mas nadadagdagan ang dahilan kung bakit namin mas minamahal ang isa't isa.

Sabay kaming natututo sa totoong halaga ng buhay —kung ano ang pinaka-importanteng mga aral ng mundo. Kung anong mga detalye sa buhay ang mas dapat bigyan ng pansin. Mga bagay na hindi kaya bilhin ng pera.

Mahirap ang mabuhay sa dimensyong ito. Kahit sabihin pang hindi kami nakakaramdam ng gutom, uhaw o pagod ay hindi pa rin madali. At kung tatanungin ako kung paano nakaka-survive sa lugar na ito... isa lang ang sagot ko —DAHIL SA PAG-IBIG. 'Yung malaman mo na may taong nandiyan para umalalay at magbigay ng lakas ng loob sayo ay malaking tulong na sa mundong puno ng paghihirap. 'Yung kahit anong mangyari ay magkahawak kamay ninyong haharapin lahat ng pagsubok. 

Beauty in the Abyss [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon