Chapter XII

26 2 0
                                    

May kumakatok sa pinto...

NANAY: 'Nak gising na at tanghali na.

SI NANAY 'YUN AH! Nang idilat ko ang aking mga mata ay laking gulat ko nang ako ay nasa sarili kong kwarto —at suot ko 'yung damit na suot-suot ko noong matulog ako bago mawala. Totoo ba ito? Ano ba ito? Panaginip? Sinampal ko ang sarili ko ng malakas —PUTEK ANG SAKIT! Hindi nga ito panaginip.

Nabuksan ko ang pinto! Ibig sabihin pwede na akong makagalaw ng gamit! Dali-dali akong bumaba. Halos magkandahulog ako sa hagdanan.

AKO: Nay!

Halos maiyak-iyak kong niyakap si nanay ng mahigpit at dinumog ang kaniyang pisngi ng mga halik. Tumakbo rin ako papunta kay bunso at niyakap din siya ng mahigpit.

NANAY: 'Nak, ano ba ang nangyayari sa iyo?

AKO: Ang tagal kong nawala eh. Namiss ko lang kayo.

NANAY: Nagda-drugs ka ba Anak? Hindi maganda 'yan ah.

AKO: Nanay naman eh. Hindi n'yo ba ako namiss?

BUNSO: Anong pinagsasabi mo kuya? Hahaha... Lakas ah. Hahaha...

NANAY: Itigil mo na 'yang trip mo, mag-almusal at maligo ka na. Mamaya tanghali na at mainit na sa puntod ng papa mo.

Hiniram ko sandali ang cellphone ni bunso. Sabi ko may titignan lang ako sandali. NANLAKI ANG MGA MATA KO NG MAKITA KO ANG PETSA! Birthday ni papa. Ito ang araw na napunta ako sa kakaibang dimensyon na iyon! So... ano 'yung mga nangyaring 'yun? Panaginip lang? Imposible. Ramdam ko lahat ng nangyari at masyadong mahaba at detalyado iyon para sa isang panaginip. Pero bakit dito ako sa petsa na ito bumalik?

AKO: Nasaan na si Jessy?

NANAY: Sinong Jessy?

BUNSO: Ayieeeeee. Si koya lumalablayp na ulit. Hahaha...

AKO: Ah ganoon ah!

Kiniliti ko nang kiniliti si Estellita.

Bumalik na nga ako sa dati. Balik sa dating routine ng buhay ko. Wala nga talagang nagbago. Balik sa dati kong trabaho na parang walang nangyari. Masaya dahil muli ay nakakagalaw na ulit ako ng bagay. Nakakakain, nakakinom at nagagawa ko na ulit ang mga bagay na hindi ko magawa noong nakakulong pa ako sa 'negative one dimension.' Nahahawakan at nayayakap ko na ulit ang mga mahal ko sa buhay. Tuwing araw ng sahod ay i-dini-date ko sila nanay at bunso. Mas madalas na rin ako nakikipag-bonding at nakikipagkwentuhan sa aking mga kaibigan at kababata. Madalang ko na gamitin ang cellphone ko —kapag sobrang importante na lang siguro. Ang malungkot lang ay hindi ko alam kung nasaan na si Jessy. Kung ayos lang ba siya? Ano ang mga ginagawa niya? Hinahanap niya rin ba ako? KUNG TOTOO BA SIYA O PIGMENT LANG NG AKING IMAHENASYON?

Sinubukan kong hanapin ang buong pangalan ni Jessy sa halos lahat ng sikat na social media na alam ko. Walang Jessy Alcantara, na nurse, na nakatira sa Makati ang lumabas sa search result. May ilang kapangalan niya lang pero hindi siya.

Halos isang buwan na rin ang lumipas simula nang makabalik ako sa totoo kong mundo. Hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap kay Jessy. Sinusubukan kong tandaan lahat ng mga napag-usapan namin ni Jessy sa kabilang dimensyon. Baka kasi may mga clue para ma-trace ko talaga kung nasaan siya. Sinubukan kong pumunta sa Makati, kung saan siya nakatira. Naaalala ko na 'yung araw na mapunta kami sa 'reciprocal dimension' ay ang araw na dapat ay biyahe niya papunta sa ibang bansa kaya hindi na ako umasa na makita siya sa kanilang bahay. Baka itinuloy niya na rin ang pagpunta sa Canada. Gusto ko lang malaman kung ayos lang ba ang kalagayan niya. Kung totoo ba talaga siya o likha lang ng aking isipan?

Pagkarating ko sa bahay nila ay iba ang lumabas sa pinto. Inisip ko na baka ibang kamag-anak nila o baka naman family friend lang kaya hindi ko kilala. Nang tanungin ko ang babae kung kilala niya si Jessy ay wala daw siyang kilalang ganoon. At isa pa ay bago lang daw sila sa lugar na iyon. Hindi rin daw nila kilala ang dating nangungupahan sa kanilang kasalukuyang tinitirahan. Wala rin naman akong matanungan na mga kapitbahay dahil wala naman ding halos tao na lumalabas sa lugar. Nasaan ka na ba Jessy?

Naalala ko rin ang ospital na dati niyang pinagtatrabahuan. Kaya agad din akong pumunta dito. Pumunta ako sa front desk at tinanong ang nurse na naka-assign doon na may name tag na 'Hannah.'

AKO: Good evening. Naka-duty po ba si Nurse Jessy?

NURSE HANNAH: Sino po sila?

AKO: Ah kaibigan niya po. Lance Dela Cruz po.

NURSE HANNAH: Ah wait lang ipapatawag ko lang. Naka-break kasi siya ngayon.

AKO: Salamat.

Nabuhayan ako ng loob. Ibig sabihin hindi natuloy sa pangingibang bansa si Jessy. Na-e-excite ako na hindi malaman.

NURSE HANNAH: Sir 'yan na po si Nurse Jessy.

Unti-unti akong lumingon patalikod. Sa wakas makikita ko na ulit siya...

NURSE JESSY: Yes sir? Ano po ang kailangan n'yo?

AKO: I'm sorry pero ibang Nurse Jessy ang hinahanap ko... Jessy Alcantara.

NURSE JESSY: Ako lang po ang Jessy dito sir. Bhe may kilala ka bang Jessy Alcantara?

NURSE HANNAH: Wala bhe eh.

AKO: Ay sige salamat na lang. Pasensya na rin sa abala.

Ano ba naman 'yun? Akala ko si Jessy ko na eh —iba pala. Nakakadismaya. Ano ba ang ginagawa sakin ng kalawakan? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?

Sinubukan ko na lahat ng alam kong paraan para hanapin siya ngunit hindi pa rin ako nagtagumpay.

Isang araw, naisipan kong hanapin ang hoodie na suot ko sa kabilang dimensyon.

AKO: Nay. Nakita n'yo po ba 'yung nag-iisa kong jacket? Nilabhan n'yo po ba?

NANAY: Hindi naman anak. Hindi ko pinapakielaman ang mga gamit mo.

AKO: Ikaw bunso nakita mo ba?

BUNSO: Hindi rin kuya. Hindi nga ako pumapasok sa kwarto mo eh.

Nakapagtataka na mawala 'yon. Maliit lang ang aparador ko para hindi mahanap ang aking hoodie. Nag-iisa lang iyon at paborito ko pa kaya pinagkakaingat-ingatan ko iyon. At isa pa, hindi ako burarang tao. Hindi ko rin iyon ipinapahiram... OO NGA PALA! Ipinahiram ko 'yun —KAY JESSY! Siya lang ang kauna-unahang tao na pinahiram ko nito. Tama! Huli naming araw sa kabilang dimensyon ay pinasuot ko iyon sa kaniya para hindi siya lamigin.

Nabuhayan ulit ako nang loob. MAAARING TOTOO NGA SI JESSY AT NASA KANIYA ANG JACKET KO. Lalo pa akong nagkaroon ng pag-asa nang matandaan ko ang video na napanood ko sa tablet ni Adrian.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-search sa youtube. 'Missing Scientist in the Philippines.' Laking gulat nang makitang naka-upload nga sa youtube ang parehong video na napanood ko sa tablet ni Yanyan. Totoo lahat ang nangyari sa kabilang dimensyon —NAG-E-EXSIST SI JESSY!

NANAY: Lance! Bumaba ka nga rito! Nandito lang pala 'yung hinahanap mong jacket!

Ano ba naman 'yan. Dalawa na nga lang 'yung kinakapitan kong ebidensya na totoo lahat ng nangyari sa kabilang dimensyon nawala pa ang isa. Wew.

AKO: Pababa na po Inay!

Nakakatamad naman bumaba. Sana nawala na lang talaga 'yung paborito kong jacket.

Pagkababa sa hagdan ay bigla akong natigilan. Hindi ako makapaniwala. SI JESSY —SUOT ANG PABORITO KONG JACKET.

NANAY: Ito 'yung jacket mo... nagbalik sa iyo.

BUNSO: Ayieee... Siya pala si Ate Jessy ah.

N

ANAY: Tumigil ka d'yan Estellita. Halika na't umakyat.

BUNSO: Maaga pa po 'nay ah. Wala rin naman pong pasok bukas!

NANAY: Tara na! Magpapahilot ako sayo. Kumikirot ang mga kamay at binti ko.

BUNSO: Opo, Nay.

NANAY: Maiwan na muna namin kayo d'yan.

JESSY: Salamat po. Nice meeting you po ulit. 

Beauty in the Abyss [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon