Chapter V

25 2 0
                                    

JESSY: May naiisip ako. Maglalaro tayo ng laro na tatawagin kong 'Tell-A-Lie.' Ganito, mas kikilalanin pa natin ang isa't isa sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga kasinungalingan sa sarili natin. Oh 'di ba exciting? Hahaha... ano game?

AKO: G!

JESSY: Umpisahan ko... ako ay isang lalaki.

AKO: Ako ay isang babae.

JESSY: Puti ang pinaka-ayaw kong kulay.

AKO: Hindi ko gusto ang sinigang lalo na kapag gawa ng nanay ko.

JESSY: Hahaha... Hmmm... Pangit ako!

AKO: Hahaha... Ang witty mo doon ah. Nice one! Hmmm... Pogi akoooooo!

JESSY: Hahaha... Sus! Pahumble pa kuno. Charot-charot mo ah! Game! Ako na ulit. Hmmm... Pinaka-ayaw kong palabas ay 'A Walk to Remember' ni Nicholas Sparks. Sobrang corny!

AKO: Napanood ko din 'yun and I agree with you. Ako naman... Ang pangit mo.

JESSY: Telege be? Hahaha... ganda ng taste mo ah. Hahaha... Ice cream ang pinakapangit na naimbentong pagkain sa buong mundo!

AKO: Ice cream ang pinakamasarap na pagkain na naimbento sa buong mundo!

JESSY: O-M-Geeeeeeee! SERYOSO KA BA? Ayaw mo ng ice cream??!!!

AKO: Game over na ba???

JESSY: Paano mo hindi nagustuhan ang ice cream? Ice cream kaya ang pinakamasarap na pagkain sa buong mundo... mali, SA BUONG KALAWAKAAAAN! Everytime na nakain ako ng sorbetes ay bumubukas ang kalangitan at bumababa ang mga anghel habang kumakanta! Tapos ikaw, ayaw mo ng ice cream? My goooossshh!

AKO: Wow ah! Buong kalawakan talaga? Parang nakakain ka na sa ibang planeta ah. Hahaha... ewan ko. Hindi ko lang talaga siguro ma-enjoy ang pagkain ng ice cream. Nakain naman ako ng ice cream... depende nga lang kung trip ko. Hindi ko lang siguro talaga ma-appreciate 'yung pagkain tulad ng pag-appreciate ng ibang tao. Tulad mo. Natatawa tuloy ako. Naalala ko lang bigla. Recollection namin noon, senior high pa lang ako. Sabi ng isa sa mga speakers, "Ang tagumpay ay parang ice cream! Walang ayaw ng ice cream! Meron ba sa inyo dito ang hindi mahilig sa sorbetes?" Gusto ko magtaas ng kamay eh. Hahaha... kaso 'wag na lang pala. Baka igapos nila akong lahat sa puno ng bayabas at sunugin. Hahaha...

JESSY: I feel sorry for you frieeeend. Hahaha... Basta team ice cream pa rin ako.

Nagdaan pa ang ilang linggo. Wala pa rin kaming hinuha kung ano ang nangyayari sa amin. Hindi pa rin namin alam kung saan kami hahanap ng kasagutan o kung paano kami babalik sa dati naming buhay.

Nandito ulit kami ni Jessy kung saan kami unang nagkita —sa Manila Baywalk. Inaabangan namin ang paglubog ng araw.

Ilang oras din kaming naghintay sa paglubog ng araw. Hindi naman nasayang ang aming paghihintay. Walang nakaharang na ulap. Kitang kita ang ganda ng paglubog ng haring araw. Naglalaro ang kulay nito sa kalangitan —orange, red at yellow. Sa isang banda, naghahalo ang kulay nito sa bughaw na langit na nagreresulta sa napakagandang kulay violet. Talagang kamangha-mangha ang ganda ng paghahalo-halo ng mga kulay sa kalangitan habang papalubog ang araw. Parang isang buhay na painting. Samahan mo pa ng isang magandang nurse sa eksena. Naks!

Naagaw ang atensyon ko ng kagandahan niya. Sobrang ganda —lalo na at nasisinagan ang kaniyang mukha ng liwanag ng papalubog na araw. Habang nakatitig siya sa dapit hapon ay siya namang nakaw ko ng tingin sa kaniyang maamong mukha. Hindi siya nakakasawang pagmasdan. Siya 'yung tipo ng tao na gusto mong unang makita sa pagdilat ng iyong mga mata sa umaga at huling masulyapan bago matulog. Gusto ko pa sana siya titigan kaso bigla siyang nagsalita. Kinabahan ako baka mapansin niya.

JESSY: Paano kung patay na talaga tayo?

AKO: ...

JESSY: Paano kung hindi na tayo makakabalik sa dati? Sa mga pamilya natin?

AKO: 'Wag kang mawalan ng pag-asa. Tignan mo 'yung araw, lumulubog man ay alam nating sisikat pa rin kinabukasan. Ganoon din tayo. Madilim man para sa atin ngayon, bukas liliwanag din. Makakahanap din tayo ng kasagutan at paraan para makabalik sa dati.

Siyeeeet! Umusog siya para mas makatabi sa akin —PARA ISANDAL ANG ULO NIYA SA BALIKAT KO! Kalma... kalma... kalma... inhale... exhale... inhale... exhale. Act normal! Wew! Parang ayaw ko na bumalik sa dati ah. Time freeze please! Joke lang —gusto kong bumalik sa dati. Ipapakilala ko siya kila mama at bunso. Siguradong magugustuhan siya nila. By that time... jowa ko na siya. Hahaha. Hashtag pilingerong umaasa nambawaaaan!!!

JESSY: Salamat.

AKO: Para saan?

JESSY: Sa pagbibigay ng lakas ng loob.

AKO: 'La 'yon. Maliit na bagay. Isa pa, ikaw rin naman ang nagpapalakas ng loob ko eh.

JESSY: Wait nga lang. Nagpapa-cute ka ba?

AKO: Huh? Bakit nacu-cute-an ka ba?

Ngumiti siya at tumingin sa akin sabay sabi ng...

JESSY: Hindi.

AKO: Oh 'di... hindi ako nagpapa-cute.

Sabay natawa na lang kaming dalawa. One of my best moment kasama siya. Hindi ko ito makakalimutan —promise. 

Beauty in the Abyss [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon