Chapter VII

24 2 0
                                    

AKO: Martes pala ngayon. Anong oras na?

JESSY: Teka tignan ko lang sa relo ni manong. Hmmm... 10:23 AM.

AKO: Tara nood tayo ng sine.

JESSY: Huh? Paano kung maraming tao?

AKO: Mayroon akong alam —sa SM Manila. May sinehan doon na nagpapalabas ng mga lumang movies. Tanghali pa kaya wala pa masyadong mga tao doon. Noong college pa ako madalas ako doon tuwing Martes kaya alam ko ang oras kapag wala masyadong tao doon. Tara na. Tiwala ka lang.

Sakto naman at wala nga masyadong tao. Madalas kasi ako noon sa SM Manila tuwing Martes —noong college pa lang ako sa isang pamantasan sa Intramuros. Martes kasi ang araw na konti ang tao dito sa mall. Hindi ko alam kung bakit pero consistent talaga na konti lang ang tao dito tuwing ganitong araw. Ayaw ko rin kasi sa mataong lugar kaya ito ang paborito kong araw pumunta dito. Isa pa, kinse pesos lang 'yung ticket sa sinehan na nagpapalabas ng lumang pelikula kaya madalas ako dito noon. Sobrang hilig ko sa pelikula. Ito kasi ang paraan ko para magtanggal ng stress.

Swerte at may grupo ng college students na manonood din kaya kami nakapasok. Hindi na kami lumayo ng upuan sa kanila para makasabay na rin kami sa paglabas pagkatapos. Ayos 'to! Si Nicholas Cage ang bida.

Natapos ang pelikula na umiiyak si Jessy. Hanggang sa paglabas ay nagpupunas pa rin siya ng luha habang sumisinghot-singhot. Hindi ko akalain na may pagka-mababaw pala ang luha ng babaeng ito.

AKO: Tahan na Jessy. Hindi ko naman akalain na malungkot pala 'yung pelikula eh. Sorry na.

JESSY: Hindi ayos lang. Nadala lang ako doon sa last part ng movie. Isipin mo isinuko ng bida ang pagiging anghel niya para makasama 'yung girl tapos mamatay lang din pala 'yung babae. Hindi n'ya rin makakasama. Ang lungkot 'di ba? 'Yung tipong hindi mo na makakasama ang taong mahal mo —ang taong dahilan ng iyong pagsasakripisyo.

AKO: Oo nga eh. Ang saklap lang.

JESSY: Ang tagal ko nang pinapakinggan 'yung 'Iris' ng 'Goo Goo Dolls' at ngayon ko lang nalaman na theme song pala ito ng pelikula. Ngayon mas naintindihan ko 'yung first line na 'And I'd give up forever to touch you.' Wew! Ang sakit talaga sa puso ng pelikulang 'yon!

Tumahan na si Jessy pero halata mo pa rin na malalim ang kaniyang iniisip. Ang layo ng kaniyang tingin habang nakaupo dito sa tapat ng tindahan ng appliances —dito sa loob ng mall. Sakto may speaker sa labas ng stall kaya tamang sound trip na rin kami.

JESSY: Paano kung hindi na tayo makabalik sa dati? Paano kung katulad ni Nicholas Cage ay hindi na rin natin mayayakap ang mga mahal natin sa buhay? Paano kung ito na talaga ang itinadhana para sa atin? Paano kung stock up na tayo sa ganitong klase ng buhay?

Tumulo na naman ang luha ni Jessy. Hindi ako sanay na nakikita siyang malungkot at umiiyak. Parang may nadudurog sa loob ng dibdib ko na habang tumatagal ay pabigat ng pabigat.

AKO: Tumingin ka nga sa akin. Hindi tayo maii-stock up dito. Magbabalik din sa ayos ang lahat —MAGIGING MAAYOS DIN ANG LAHAT. Promise ko 'yan.

Hinawi ko ang mga luha ni Jessy sa kaniyang pisngi. Hindi ko rin alam kung makaka-alis kami sa ganitong sitwasyon pero ang alam ko ay hindi ako dapat panghinaan ng loob. Kailangan kong maniwala kahit parang walang nangyayari —kahit parang walang paraan. Para sa mga pamilyang naghihintay sa amin —para na rin kay Jessy.

Iba rin magbiro ang tadhana. Alam ko 'yung intro ng kanta na iyon. Akalain mong kasama sa playlist ng tindahan ng appliances na ito ang kantang 'You'll be Safe Here' ng 'Rivermaya.' Dali-dali akong tumayo at inabot ang aking kamay sa kaniya.

Beauty in the Abyss [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon