Unfair 1

30 0 1
                                        

Ang mga pangyayari sa istorya ko na tumatama sa anomang pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya at imagination ko lang.

PLAGIARISM IS A CRIME.

For my readers you want some coffee habang nagbabasa? Anyway thank you sa support parin. You can visit my Facebook account, libre lait sa profile mga readers.

Crist's Point Of View

Alas singko palang ng hapon pero ready na ako, panibagong araw panibagong asa na naman. I'm Crist Cristoba the new CEO of UMAASA company. Tinignan ko ang suot ko ngayon, naka v-neck at maong pants lang ako. Everything is black. Black shoes, black hair, black shirt, black pants. I smile on the mirror seeing myself is new.

Makikita ko nanaman ang babaeng kaisa-isang prinsesa ko.

Inayos ko ang aking damit at saka pinagpaganang sapatos na nadumihan.

“Cristoba! Inaantay kana ni Valien dito. Tinalo mo pa pagong sa bagal!” sigaw ni ate mula sa baba. Ibang klaseng babae talaga to!

“Ang sabihin mo ayaw mo lang akong makasama sa bahay. Bilisan ka diyan baka ikaw lang nagsasabi niyan! Gusto mo lang talaga solohin ang bahay ano? Baguhin mo naman katwiran mo makaluma nayan sister evil” sigaw ko pabalik.

“Buti alam mo? Lumayas na kayo!” sigaw niya ulit at umalis, tunog na tunog ang yapak na ginawa niya.

Nagpulbo lang ako at nilagyan ng lip gloss ang labi ko. Medyo nangingitim kasi dahil sa natamo ko kahapon. Ano bang nangyari kahapon?

“Val kanina kapa?” bungad ko ng makababa ako sa hagdan.

“Hindi naman pero medyo nakakabagot lang mag-antay ng isang oras? Akalain mo nga naman at nakaya ko.”

“Nakakahiya sa apat na oras na nag-intay ako sa labas ng bahay niyo!” sabi ko at pinamewangan siya.

“Bihis na bihis? Di ka naman ganyan dati ah?” nakakapanibago ba?

Napairap nalang ako at saka pumunta ng kusina para kumuha ng tubig.

“Asan ba punta natin?”

“Nakalimutan mo na?” nanghihinayang na tanong niya.

Ano bang meron ngayon?

“Anong araw ngayon?” tanong ko.

“Thursday.” ano bang ginagawa namin sa Thursday? Wala akong naalala.

“Nakalimutan mo na talaga? Usually ako talaga nakakalimut nito.” aniya kaya napatahimik naman ako.

“Thurday date! Jusko tara na.” Sabi ko kahit na nakalimutan ko talaga ang petsa ngayon. “Bakit kasi ang ganda mo? Nakalimutan ko tuloy ang araw ngayon dahil sa kagandahan mo. Ayan tuloy nganga ako.” Sabi ko at tumawa. Pero di ko parin gets.

Kiligin ka please.

“Talaga ba? Gusto mo sa susunod paghahandaan ko na talaga?”

“Tara na at lumayas ayaw ni ate na may bwisit sa bahay daw niya!” sinandiya kong diinan at lakas ang boses ko para marinig niya.

“Hoy narinig ko yun. Mamaya ka sakin” sigaw niya mula sa kwarto kaya natawa naman kami ni Val at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng bahay.

“Dito ka muna kukunin ko lang sasakyan sa garahe” Sabi ko at iniwan siya.

Ng maandar ko ang makina ay saka ko palang pinasakay si Val.

“Asan tayo?” tanong ko habang nagmamaneho. “Baka puwedeng change place naman?” pilosopong tanong ko, nakakasawa kumain sa paborito niyang restaurant. Tss.

9:13 (Dead in Arrival)Where stories live. Discover now