Hmmm, tinamad ako mag type🙂
Ang pangyayari sa storya ko na tumatama sa anomang pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya at imagination ko lang.
Crist's.
Nagising ako sa init na dumapo sa mukha ko, ano ba? Kitang mahimbing tayong natutulog dito.
Napamulat ko ang isang mata ko, saka uminat inat. Good morning world! Humikab muna ako bago pumunta sa cr para maghilamos. Anong araw na ba ngayon?
“Crist gumising kana at kumain na.” sigaw ni ate mula sa baba, kahit kailan talaga ang ingay ng bunganga nito.
“Oo na pababa na!”
Ng makababa ako ay naabutan ko si mommy sa sala na nakatingin sa binabasa niyang news paper, may kapeng nasa gilid niya.
“Good morning mom.”
“Oh? Morning son.” bati niyang pabalik niyakap ko siya at saka hinalikan sa pisnge.
Pumasok na akong kusina naabutan ko din si ate na abala sa pagluluto. “Kala ko ba di ka marunong magluto ate? Sabi mo nga diba never kang naghanda dito.” niyakap ko si ate mula sa likod.
“Ayan ka na naman sa imahinasiyon mo Crist.” napamulat ako sa mata ko.
“Ate?” hmm, kumalas siya sa pagyakap sa akin.
“Malala naba talaga sakit ko?” tanong ko. Tinignan ko ang labas, madilim pa at wala akong nakikitang araw.
Tanging kami lang ni ate sa kwarto ko at nag-uusap. Andiyan na naman sakit ko.
“Ate, n-natatakot ako.” utal na sabi ko.
“Anong kinatakot mo?”
“Natatakot ako na baka isang araw di na ako magising at makikita ko nalang na umiiyak kayo sa harap ng kabaong ko.” Sabi ko, nagsimula na namang tumulo ang mga walanghiyang luha ko.
“Crist, it will never happen, at hindi ko hahayaang mangyari yan.”
“Mas mabuting maging malungkot, kesa maging masaya na nalalabing araw nalang ang natitira.” malungkot na sabi ko, what if nga naman?
“Stay positive Crist don't let nightmare loose you.” aniya at hinalikan ang noo ko.
How i feel her concern? Na noon diko naramdaman.
“Ate, positibo ako pero dumadating talaga yung times na hindi ko mapigilang mapag-isip.” Sabi ko.
“Please, kung puwede Crist maging masaya ka muna ngayon? Let me tell you're special place na gusto mong puntahan, we will arrive then sa mga nalalabing araw mo.” di ko alam kung iiyak ba ako sa sinabi ni ate.
Nalalabing araw ko~
“Enjoy mo lang yung natitirang araw mo Crist, i'm sure you will be happy.” nakangiting ani ni ate.
“Ayoko dahil ang kapalit ng mga masasayang araw ko ay ang pagkawala ko.”
~~~~
Cassy.
It's too late now Cassy to tell him everything, your so selfish! You don't even think about your brother's sake?Gusto kong maiyak sa mga sinasabi ng kapatid ko, nong isang araw pumunta dito yung personal nurse at doctor ni Crist. Matagal natong sakit niya it's more than one year na. At dahil sa katago tago ni mama nasaktan tuloy ng husto si Crist, gusto kong isumbat lahat kay mama.
We have a oldest brother who died when i was six years old. Si Crist naman ay isang taon pa lang. Galit ako kay mama kasi namatay si Kuya dahil sa sakit na meron ngayon si Crist.
YOU ARE READING
9:13 (Dead in Arrival)
Short StoryYung inaakala mo hindi pala matutuloy. Lahat tayo mahilig sa imahinasiyon sa mga susunod na mangyayari, pero yung imahinasiyon ni Crist ay hindi basta-bastang imahinasiyon. Imahinasiyong magdadala sa kanya ng kamatayan. September 13 2019, Friday the...