Unfair 6

20 0 0
                                        

Hillooo!!

Ang anomang pangyayari sa storya ko na tumatama sa anomang pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya at imagination ko lang.

Plagiarism is a crime.

Crist

         Sa unang araw namin sa France puro picture lang naabutan ko kay ate, hindi naman siya ganito dati ah?

Sa pangalawang araw naman gala lang kami ng gala kasama yung kaibigan niya, ngayon ko lang nalaman na may asawa na pala yung kaibigan ni ate kaso nasa trabaho daw.

Sa pangatlong araw naman nag mall lang kami bumili ako ng mga ireregalo ko sa birthday ni Val, yun naman talaga balak ko.

Sa pang-apat na araw naman wala akong ibang ginawa kundi ang kumain ng kumain, sila ate kasi ewan asan sila nagulat nalang ako pagsapit ng gabi.

Lasing silang dalawa ng kabigan niya, tsk di lang man ako sinama sa bar.

Sa ikalimang araw naman ginala namin yung ewan ko ba sa pangalan 'non, 'yun bang kagaya sa thousand steps ata yun?

Tapos sa pinaka tuktok naman magsusulat ka doon ng gusto mong isulat. Siyempre sinulat ko yung pangalan ko at pangalan ni Val, siya lang yung babaeng minahal ko at mamahalin ko.

Ewan ko ba sa nararamdaman ko, hindi ako ganito dati eh, okay lang man sa akin na diko siya makita okay ngalang sa akin na once a week lang kami magkita. Pero dumaan ang taon na nasasanay na ako sa kanya.

Ano bang ginawa ni Val sa akin?

Pero nagtataka lang ako ah? Nakalimutan ko na kase kung kailan kami unang nagkita at saka paano kami nag ka close.

So ayun na nga, nandito kami sa sala sa bahay ng kaibigan ni ate. Matanong nga kung anong pangalan nitong kaibigan niya.

“Huy!” kalabit ko sa kanya na busy na busy sa cellphone niya, akmang dudungaw sana ako ng inilayo niya sa akin ito. Ano bang problema neto?

“Ano!?” inis na aniya. “Kita mo ng may nilalandi pa ako eh!” Sabi nito at binatukan ako.

“Ano nga ulit pangalan ng kaibigan mo? Nakalimutan ko eh” Sabi ko at hinimas ang batok ko.

“Gerlyn” aniya at inirapan ako.

“Ah okay”

Ibinaling ko na lamang ang atensiyon ko sa pinanood namin. Kaming dalawa lang ni ate sa sala yung kaibigan niya mukhang may niluluto ata iyon.

Pumasok ako sa kusina at di nga ako nagkamali, naabutan ko siya doon na nagluluto. Nilagpasan ko siya at tinungo ang despenser.

“Di mo na talaga ako natatandaan Crist?” ani nito na siyang nagpahinto sa akin saglit, ang awkward ng atmosphere.

“Hmmm” inisip ko yung mga pangyayari, ilang segundo na ata. Wala talaga eh. “Wala talaga e.” Sabi ko na para bang nanghinayang siya.

“Ah ganoon ba? Ipaalala ko pa ba sayo?”

“I will try to know you.” Sabi ko at lumabas na ng kusina pero huminto ako sa may pinto. “Ano bang meron ka?” sabi ko nalang at lumabas na.

“Sino ba kasi siya?” kausap ko sa sarili ko habang papunta sa puwesto ko kanina.

Ng makaupo ako ay napatingin ako sa cellphone ni ate, ka chat niya si Val.

“Ka chat mo si Val?” ani ko na nagpagulat sa kanya.

“Ha? Ah... Hindi ah, pareho lang ata ng profi---le? He-he” aniya na nagpataka sa akin.

“Sigurado ka?”

9:13 (Dead in Arrival)Where stories live. Discover now