Hi ulet sa jejemon na chapter.
Ang mga pangyayari sa istorya ko na tumatama sa anomang pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya at imagination ko lang.
PLAGIARISM IS A CRIME.
Crist's Point Of View.
Nakarating kami sa bahay, agad na bumukas ang gate namin saka ako pinasok ang sasakyan at pinarada iyon sa garahe namin. “Good Evening sir Crist, mukhang ginabi ata kayo? Nandiyan po si ma'am sa loob.” ani ng katulong namin.
“Ah? Gayun po ba? Sige saglit lang at ipapasok ko lang sa kwarto ko si Valien.” paalam ko at sinarado ang bintana saka pinutol ang makina ng sasakyan.
“Val” yugyug ko kay Val na natutulog mukhang mahimbing na ata pagkakatulog nito, ayaw pa naman nito madistorbo. Dahil no choice ako ay kinarga ko nalang siya saka pinasok sa kwarto ko. Inilapag ko siya sa kama ko at kinumutan. Sa sofa nalang ako matutulog mamaya.
Lumabas ako ng kwarto ko, dumaan ako sa sala nakita ko si ate na masyadong busy sa ginagawa niya.
“Kasama mo ba si Valien?” tanong niya na nagpahinto sa paglalakad ko, nilingon ko siya at tumango ako. Samantalang ang atensiyon niya ay nasa ginagawa parin. “Maghanda ka, may mangyayari.” aniya kaya medyo nagulat naman ako sa sinabi niya.
“Nagbibiro ka na naman eh.” Sabi ko at umiling iling, diko na siya pinansin ganun din siya sa akin.
“Ano na naman bang kagaguhan ang pinagsasabi sa akin ng kapatid ko?” kausap ko sa sarili ko.
“Jericho? Sino kausap mo?” napalingon agad ako sa nagsalita si manang Lily.
“Wala naman po.” sabi ko at napayuko.
“Hindi, ang ibig kong sabihin ay sino yung kausap mo sa sala?” medyo nagtaka ako sa reaksiyon niya. Di siya mapakali.
“Si a-ate?” medyo alanganin na sagot ko.
“Walang tao sa sala Crist, nasa kwarto yung ate mo mahimbing na natutulog kanina pa. Dahil na ata sa pagod niya.” ano?
“Po?”
“Nevermind. Bilisan mo na at pumasok na, gabi nadin kasi”
Kahit na nagtataka ay sinunod ko nalang ang sinabi niya. Kinuha ko na yung mga binili namin saka iyon inakyat sa kwarto ko at inilapag ang limang cellophane.
Lumabas ako ng kwarto upang pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom ng makasalubong ko si mommy.
“Ginabi ka ata?” tanong niya.
“Namasiyal po kami ni Val mom.” sabi ko at saka lumapit ng kaunti para halikan siya sa pisnge.
“Ah okay, bilisan mo na ang ginagawa mo at matulog alas onse na.” aniya at ginulo ang buhok ko saka nilagpasan ng lakad.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ko, pagkatapos kumuha ng tubig ay bumalik agad ako sa kwarto upang magbihis at matulog na ng mapansin ko si Val na iba na ang suot na damit.
Damit ko to ah?
Lumapit ako sa kanya para mas klaro sa paningin ko kung akin ba talaga iyon, di nga ako nagkakamali.
Pero paano? Paano niya nasuot to? Ng natutulog?
Imposible.
Di ko nalang iyon pinansin pumasok ako sa banyo at isinabit sa braso ko yung tuwalya.
Ng matapos maligo at naisipan kong mag open ng account ko.
May nakita akong a thread;
9:13 yung title, napaka weird sa feeling ng mabasa ko iyon.
YOU ARE READING
9:13 (Dead in Arrival)
Short StoryYung inaakala mo hindi pala matutuloy. Lahat tayo mahilig sa imahinasiyon sa mga susunod na mangyayari, pero yung imahinasiyon ni Crist ay hindi basta-bastang imahinasiyon. Imahinasiyong magdadala sa kanya ng kamatayan. September 13 2019, Friday the...