Chapter I - First Day of College

11 0 0
                                    

College (Latin: Collegium) - a club or society, a group of people living together under a common set of rules. 

First day ng College. Parang akong isang istatwa na nakalagay sa gilid ng campus. Walang makausap. Naghihintay na lang ako ng oras para sa first subject ko.

Pumasok ako sa classroom para sa first subject namin at umupo sa gilid. Nakikita ko na yung iba ay may mga kausap na. Kaya napag-isip-isip ko na baka ako na lang ang wala pang nakakausap na kaklase. Hanggang sa pumasok ang aming advisor na si Ma'am Francesca.

"Good morning guys! Kamusta umaga niyo?" Bungad ni Ma'am Francesca habang naglalakad papunta sa kanyang lamesa na nasa harapan namin. Unang tingin ko sa kanya, parang siyang isang terror na matatakot kang lumapit at magtanong. Pero nang siya'y nagsalita, parang gumaan ang loob ko dahil sa kanyang mahinhin na boses.

Nagpagawa si Ma'am Francesca ng isang flow chart sa amin. Pinalahad niya sa amin ang aming expectations hanggang sa kami ay magtapos ng Kolehiyo. Kapag may ganitong activity, nagpa-panic ako, hindi ko alam kung ano ang mailalagay ko. Siguro, dahil hindi ko pa naiisip yung future. Blanko pa ang isip ko sa kung ano ang mangyayari pagkalipas ng ilang taon na pag-aaral ko sa LPU. 

Ginawa ko na lang kung ano ang maisip ko. 

Gain Friends ---> Learn more about computers ---> Be a President of an organization ---> Innovate -> Graduate

Pina-explain sa amin isa-isa ni Ma'am Francesca ang gawa namin. Ako ang naging una dahil ako ang nasa hulihang gilid na row. Di na ako nakapaghanda sa kung ano man ang sasabihin ko. Tanging nasa isip ko na lang habang naglalakad papunta sa harapan ay "bahala na."

"Good morning po sa inyong lahat." Sabi ko. "Ako po si Romeo Sambilla. 16 years old. Sa Las Pinas po ako nakatira." Pinakita ko sa madla ang flowchart na ginawa ko. "Ito po yung gawa kong flowchart. Sa unang year natin, gusto kong magkaroon ng mga bagong kaibigan. Mga tao na makakasabay kong kumain, umuwi, mag-aral. Ayun."

Huminga muna ako ng malalim at nagpatuloy. "Pangalawa, I want to learn more about computers. Nung una, gusto ko talaga mag Computer Engineering para malaman kung paano mag-reformat ng mga Computer." Sabay tawa ng mga kaklase ko. "Totoo nga. Pero nung pagpasok ko dito, gusto kong makita sa sarili ko kung may maiaambag ba ako sa mundo gamit ang kaalaman ko sa technology." Gusto ko pa sana magdagdag pero wala na akong maisip na sasabihin.

"Pangatlo, I want to be a President of an organization. Gusto kong ma-improve ang communication skills ko. At gusto ko rin i-challenge ang sarili ko na mag-lead ng isang organization at mapatakbo ito ng maayos."

"Pang-apat, I want to innovate. Parang yung second lang. Gusto ko mag-invent or gumawa ng isang bagay na masasabi kong 'uy, napaka-useful naman neto!'"

"Last but not the least, is maka-graduate. Gusto kong gumraduate para sa pamilya ko, lalo na sa Mama ko. Lumaki ako nang walang Tatay. Simula nung nag-aral ako, si Mama lang ang nagtaguyod sa pag-aaral ko. Kaya pagka-graduate ko, gusto kong ibigay ang lahat ng gusto niya para lang maging masaya siya at makapagpahinga sa mga paghihirap na naranasan niya para lang makapag-aral ako sa mga maaayos na paaralan."

Tumahimik ang lahat sa part na iyon. Pati ako napatahimik. Hindi ko alam kung paano ko naipahayag yun sa harap ng mga taong hindi ko pa naman kilala. Pero parang napakagaan sa loob pagtapos. Nagpalakpakan ang lahat matapos ang napakahaba kong explanation sa flowchart ko. 

Pagbalik ko sa upuan, napansin ko ang isang babae sa kabilang gilid, na nakatingin sa akin. Napansin ko na nanlaki ang mata niya nung pagtingin sa akin, kaya nagtaka ako. Pero hindi ko na lang pinansin.

Makalipas ang ilang mga kaklase ko na nag-presenta rin, tumayo na siya. Si girl na napansin kong nakatingin sa akin kani-kanina lang. Siya na ang sunod.

"Good morning po blockmates. My name is Stephanie Geronimo. I'm a transferee from Mapua. Katabi lang." 

Naging interesado akong makinig tungkol sa kanya. Kaya hanggang sa huli, naging focus ako. Pero hindi ko alam kung tungkol ba sa naging presentation niya, or about sa physical looks niya. Maliit lang siya. Maputi. Medyo mapayat, pero mas mapayat pa rin ako. At napansin ko, hindi pala nanlaki ang mata niya sa akin kanina, kundi talagang malaki ang kanyang mata (hahaha!). 

Balik tayo sa kanyang presentation.

"Within the first year of my stay at LPU, gusto kong ma-meet ang lahat ng blockmates ko. I want to know them more so in the end, we can help each other na malagpasan ang course natin. On the second year, I want to be more proactive in terms of my school works. And also, gusto ko pong makatulong sa mga blockmates ko in terms of school activities. On my third year, I want to learn how to adjust on different environments, since irregular student po ako. On the fourth year, gusto ko pong ma-explore ang corporate world at kung paano maging organized. Sa last year po, I want to graduate with the mindset to help my family in their financial needs. Yun lang po. Thank you."

Matapos ang kanyang paliwanag, napag-isip isip ako kung magagawa ba namin ang lahat ng nilagay namin sa flowchart? Dahil dun, itinago ko yung gawa ko sa handbook namin. For reference, pagdating namin ng 5th year.     

Pagkaraan ng ilang oras, natapos na ang oras ni Ma'am Francesca. Umalis na ang iba at pumunta na sa kani-kanilang second subject. Pati si Stephanie ay umalis na rin. Naiwan na lang kaming mga regular student sa room.  

Since wala pa naman ang next prof namin, nakinig muna ako ng music sa Walkman ko. Habang nakikinig, may lumapit sa akin na dalawang kapwa kong regular students; si Jerome at Rhay.

"Hi Romeo!" Sabi ni Jerome sa akin habang nakangiti si Rhay.

"Uy, hi!" Sagot ko naman, sabay tanggal ng earphones sa tenga ko. "Sorry, ano ulit pangalan niyo?"

"Ako si Jerome, or Je na lang. Siya naman si Rhay." Sagot ni Je.

"Kamusta Ricky?" Sabi ni Rhay.

"Ayos lang. Sorry, medyo hindi kasi ako magaling magkabisa ng pangalan." Sabi ko.

"Ayos lang yun! San ka nga pala galing?" Tanong ni Rhay.

"Galing akong sa Las Pinas. Actually, mas maraming High School students yung nag-aaral dun sa pinanggalingan ko, kesa mga College students." Paliwanag ko.

"Private ba siya" Tanong ni Je.

"Uhm, semi-private. Wala naman kaming aircon sa bawat classroom. Pero sobrang mahigpit. Bawal magdala ng cellphone, bawal mahaba ang buhok, bawal magkaroon ng jowa, mga ganon." Sabi ko.

"Ahh ganon? Sabi ni Je. "Magkaklase kasi kami ni Rhay nung high school sa Pasay. Public lang naman kami kaya hindi masyadong mahigpit...."

Sila Je at Rhay ang mga unang blockmates na nakausap ko nung oras na yun.

Nung oras ng pag-uwi, dumiretso na ako sa isang bus. Hindi ko namalayan na bus pa-Cavite pala ang nasakyan ko nung oras na yun. Pero hinayaan ko na lang din. Nakaupo na rin ako, at medyo marami na ring pasahero ang nakasakay na nakatayo, kaya mahihirapan na rin akong bumaba kung sakali. Nung nakabayad ako, hindi ko namalayang nakatulog ako. Paggising ko, nasa Talaba na yung bus. Tumingin ako sa harap, at may napansin akong isang babae na parang kilala ko. 

Si Stella.

Nagulat ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya para kausapin, o hahayaan ko na lang na parang wala akong nakita. Inisip ko na lang na habulin siya sa oras na bumaba siya, at makausap kung sakali mang maabutan ko siya pagbaba ng bus.

Tumigil ang bus sa may Bacoor, at napansin kong pababa na siya. Dali-dali akong tumayo at sumingit sa mga nakatayong pasahero para makalabas at makababa ng bus. Pagbaba ko ng bus, nagtaka ako. Hindi ko na siya makita. Tinignan ko rin sa kabilang kalsada, pero hindi ko rin siya nakita. Nawala siya na parang bula. Hindi ko ba alam kung imahinasyon ko lang ba yun, o namalik-mata lang ako na baka kamukha lang talaga ni Stella (pag malayo) ang nakita ko. 

Umuwi na lang ako.

Dun ko na-realize kung ano ang mga naging pagkukulang ko para kay Stella. Hindi ako naglakas-loob na lumapit sa kanya at aminin ang nararamdaman kong pag-ibig para sa kanya. Parang gusto kong balikan ang oras na magkasama kami, at sabihin na "mahal kita." Ang tanging magagawa ko na lang  sa oras na yun ay mag-move on.

ToreteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon