Chapter V - Torete

5 0 0
                                    

*4th Year, 1st Sem

Araw ng General Assembly ng buong Engineering department. Lahat ay masaya, dahil bukod sa maraming mga activities, in-announce ng Dean namin na hindi magkakaroon ng klase the whole day para makapag-focus ang mga estudyante sa mga activities.

Ako, chill lang. Kasama ang mga tropa ko, kung saan saan kami pumupunta. May booth ng Asus na kung saan pwede namin gamitin ang bago nilang ROG Gaming Laptop. may iba na mag-register ka lang ay meron ka nang freebies. Si Ranidel, nanalo ng isang legit na Gaming Mouse sa isang raffle. Galing!

Pero ang talagang "main event" ng araw na yun ay ang Engineering Got Talent, na kung saan kahit sinong Engineering student ay pwedeng mag-share ng kani-kanilang talents atmanalo ng tumataginting na exemption sa mga Final exams (depende sa mga prof siyempre). Marami ang sumali, at nagulat ako dahil pati si Steph ay kasali rin, kasama ng mga ibang kaibigan niya. Kaya ako, parang naging ewan na na-excite sa kung ano ang gagawin nila.

Bago magsimula, nag-resgister muna ang lahat ng mga kasali. Si Tina, nagkaroon ng problema sa group nila. Wala silang isang vocalist. Ayaw ni Tina na siya lang mag-isa ang kakanta sa entablado. Nakita kong natataranta na si Tina, kaya nilapitan ko na siya.

"Anong problema, Tina?" Tanong ko sa kanya.

"Wala kasi kaming isang vocalist." Sabi niya.

"Dami-daming magagaling kumanta dyan ahh!" Sagot ko naman.

"Eh ayaw naman nila eh. Mga mahiyain masyado." Anya ni Tina.

"Ayun lang..."

Bigla kaming napatigil, nang biglang...

"Ikaw na lang kaya Rom?" Sabi ni Tina.

"Uy, anong ako?" Biglang tanong ko.

"Sige na! Dalawa naman tayong kakanta eh." Pilit ni Tina.

"Di ako marunong kumanta uy! Mapahiya lang tayo!" Sagot ko sa kanya.

"Pati rin naman ako eh. Sumali lang talaga ako para sa exemption. Kasi sabi ng mg aprof, sumali lang sa Engineering Got Talent, automatic exempted na." Dahilan ni Tina.

Ako, napaisip naman. Medyo mababa rin ang average ko sa mga subjects namin, kaya inisip kong kailangan ko rin ng exemption. "Hmm... Sige na nga! Lista mo na ako."

"Yaaay!!" Biglang yakap sa akin ni Tina, sabay takbo sa registration booth para madagdag ang pangalan ko.

Nag-iisip pa ako nung panahon na yun kung tama ba ang desisyon ko na sumali. Pero napagtanto ko. isa yun sa pwede kong maging daan para magpa-impress kay Steph.. Kaya sige, ipu-push ko na to!

Marami rin ang sumali sa event, nang dahil sa balitang exempted agad pag sumali. May mga kumanta, sumayaw, nag-acting. Pero siyempre, hinihintay ko ay ang performance nila Steph at ng kanyang mga kaibigan.

Unang nag-perform sina Anton at ang kanyang dance crew. Maganda ang sayaw nila. Napaisip ako kung itutuloy ko pa ba tong kalokohan na to, pero sabi ko lang sa sarili ko "sige!"

Pangalawang nag-perform sina Patrick, Josh, Carlo, at Wayne. Sumayaw din sila. Ang tanong ay ano ang sinayaw nila? Jumbo Hotdog. Para lang sa exemption. Hahaha!

Sa aming magto-tropa, si Ranidel lang ang hindi sumali sa Engineering Got Talent. Hindi naman talaga palasali sa mga ganong event. Tahimik lang siya sa tuwing may mga extra-curricular activities. 

Dumating ang oras, sina Steph na ang magpe-perform. Pumunta na sila sa harapan. Si Steph lang ang babae sa kanila kaya nilagay siya sa harap. Nasa formation na sila, mga seryoso ang mukha. Hinihintay namin mag-play ang music habang nasa formation sila, hanggang sa....

"Pamela wan! Pamela mela wan!" *Sabay harap ni Steph at kembot

Pamela two! Pamela mela two! 

Pamela three! Pamela mela three!

Pamela four! Pamela mela four! *Sa oras na to, nakaharap na silang lahat

Pamela wan! Igalaw ang katawan. Pamela two, kumembot ng ganitu.. Pamela three, parang kili-kiliti.. Pamela four, gagayahin ang F4!! *Sabay kembot ang lahat

OMG! Nagulat ang lahat! Ang napakatahimik na si Steph, ganon pala sumayaw! Ang lambot ng katawan kung kumembot! Napatulala na lang ako habang pinapanood sila. Wala akong masabi. Ni hindi ko man lang nakuhanan ng video habang sumasayaw sila. Buti na lang si Jason ay focus sa pagkuha ng video ng bawat performances ng mga sumali. 

Ina-admit ko, lalo akong na-in love sa kanya.

Bago kami mag-perform ni Tina, pumunta muna ako ng CR para maghilamos. Humihinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung san ako kinakabahan; sa magiging performance namin or sa gagawin ko. Hinga.....

Eto na, paakyat na kami sa stage. Nilalamig ang aking kamay.

Tumunog na ang gitara. Tumutugtog na ang panimula ng Torete. Handa na kami ni Tina, tig-isang microphone ang hawak namin.

"Sandali na lang..." Sinimulan na ni Tina ang pagkanta. "Maaari bang pagbigyan...

Aalis na lang..." Kinakabahan na ako. 

"Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay..." Hinga ng malalim, Romeo.

"Sana ay maabot ang langit. Ang iyong mga ngiti..."

Tinignan ko si Steph. Habang tinititigan ko siya, napagtanto ko sa sarili ko na totoo na to.. Totoo na tong nararamdaman ko. Hindi ko na siya mapigilan. It's now or never!

"Sana ay masilip....."

At ako na ang sunod na kumanta...

Huwag kang mag-alala, di ko ipipilit sayo. At kahit na lilipad ang isip ko'y....

Torete sa'yo.

Bahala na kung ano ang mangyari.. Bumaba ako ng stage, nilapitan ko si Steph, at tinabihan habang patuloy ako sa pagkanta.

Ilang gabi pa nga lang nang tayo'y pinagtagpo..

Na parang may tumulak. Nanlalamig, nanginginig na ako.

Akala ko nung una, may bukas ang ganito...

Mabuti pang umiwas, pero salamat pa rin at nagtagpo...

Hinawakan ko ang kamay niya. Tumayo kami, dinala ko siya sa gitna, at doon ko pinatuloy ang pagkanta, habang mabagal na sumasayaw.

Torete... Torete... Torete ako.

Torete... Torete... Torete sa'yo..

Hindi ko naisip na maraming tao ang nanonood sa amin nung oras na iyon. Hindi ko inisip kung nasa tono ba ang pagkanta ko, or sabog ba ang boses ko. Hindi ko na rin naisip si Tina na hinayaan na akong kumanta, at si Renz na patuloy pa rin sa pagtugtog ng gitara habang ako'y kumakanta. 

Ang nasa isip ko na lang ay si Tina. 

Huwag kang mag-alala, di ko ipipilit sayo. At kahit na lilipad ang isip ko'y....

Torete sa'yo.

Isa ito sa mga hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko. Ngayon ko ulit naramdaman ang magmahal muli ng totoo.

Handa na akong pumasok sa giyera muli.

Handa na akong magpakatanga muli.

Handa na akong magmahal ng tunay muli.

At handa na akong masaktan muli...


ToreteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon