Chapter III - Courtesy Pin

10 0 0
                                    

Matapos ang first semester ng first year ko sa college, naging maayos naman ang mga grades ko. Pinakamababa ko ay ang English Grammar, na muntikan nang sumabit; 2.75. Sa amin, 1 ang pinakamataas na grade at 5 naman pinakamababa, na ibig sabihin ay kailangan mong i-retake. Swerte naman at hindi ako pinalad na magkaroon ng grade na 5.

Second semester, nagkaroon ng pagbabago sa block namin. Ang lahat ng Computer Engineering na course ay pinagsama na sa isang section, ganon din ang mga ECE at EE. Nahiwalay sina Jerome at Rhay, habang kasama ko pa rin sina Wayne at Anton. Dun ko nakilala sina Wayne at Jason, na parehas na transferee galing Mapua. 

Nagsimula na rin ako umuwi sa bagong bahay namin sa Imus. Medyo nahirapan akong bumiyahe papasok at pauwi, dahil hindi ko pa alam kung ano ang dapat sakyan at kung saan ang mga sakayan. Dahil dun, nakilala ko sina Ranidel at Carlo, na parehas ding taga-Imus, isang sakay lang ng tricycle galing sa amin. Lagi ko silang nakakasabay pauwi sa oras na yun.

Computer Engineering din naman si Steph. Pero dahil irregular siya, hindi ko siya naging kaklase ng buong second semester namin.

Isang araw, habang kami ng mga kaklase ko ay nakaupo sa may tabi ng corridor na naghihintay ma-vacant ang computer room namin, biglang may lumapit sa amin na mga babae at inalok kami ng isang pin, na nakalagay na "I am a Courteous Man." Mga miyembro sila ng Courtesy Club ng LPU, na may campaign na ikalat ang courtesy sa bawat estudyante ng campus.

Isang babae ang lumapit sa akin at inalok. Nagulat ako nang bigla akong asarin ni Anton at sinabing "Uy Rom! Bumili ka naman! Wag mong paghintayin ang isang babae."

"Gagi to ba!" Sabi ko. "Issue kayo ahh."

Nagtawanan ang mga ibang ka-blockmates ko. Biglang sumingit si Jason at sinabi sa babae, "Ate, mabibigay mo na number mo sa tropa namin pag bumili siya ng pin niyo?"

"Siyempre naman!" Sagot ng babae.

"Ayiieee!" Kutsa ng mga ka-blockmates ko. 

Binigay talaga ng babae ang number niya na may nakalagay na pangalan niya; Jessica. Maikli ang buhok niya pero may bangs. Medyo matangkad, at maputi. Hindi ko alam yung naramdaman ko nung oras na yun; natuwa, nainis, kinilig? Ewan.

Bago matapos ang araw na yun, naisipan kong i-text si Jessica. Inisip kong wala naman mangyayari sa akin kung susubukan ko. Kung mag-reply sa akin, edi masaya. Kung hindi, okay lang din naman.

'Hi!' ang unang text ko sa kanya. Ang pamatay na panimula ng mga taong gustong magsimula ng isang conversation. Hinintay ko siyang mag-reply pero matapos ang dalawang oras, wala. Kaya tinulog ko na lang.

Kinabukasan, may natanggap akong text paggising ko.

'Good morning!' Sorry, hindi ko nasagot text mo kagabi, medyo naging busy kasi ako eh, dumiretso na rin ako ng tulog.' 

Reply sa akin ni Jessica.

Ako naman, natuwa din sa naging reply niya. 

Lumipas ang mga ilang araw, lagi na kaming magkausap, mapa-text o chat man. Pero ni hindi kami nagkaroon ng isang araw na magkasabay kami kumain, o umuwi. Sa bawat oras na inaaya ko siyang kumain o sumabay pauwi, lagi niyang sinaasabi na hindi siya pwede o may kasabay siyang iba. Hanggang sa natauhan ako. Naisip ko na wala namang interes sa akin si Jessica. Kung meron man, sa simula pa lang ay pinaglaanan na niya ako ng oras para makasama at makilala man lang ako lalo. Pero wala eh. Lahat ng inaalok kong oras, tinatanggihan niya.

Nang naging second year college na kami, hindi ko na siya pinansin. Hindi ko na siya tinext, or chinat. Hindi rin siyang nagtangkang magtanong o kamustahin ako. 

Medyo masakit kapag nalaman mong hindi interesado na makilala ka ng isang tao. Kahit maging kaibigan lang. Hindi ko tuloy alam sa sarili ko kung may mali ba sa akin na hindi ko nakikita pero nakikita ng ibang tao. Pero ayos lang. Natutunan ko kung paano malaman na walang interes sayo ang isang tao. Naging mailap na ako sa mga hindi ko kilalang tao matapos ang nangyari sa amin ni Jessica. 

Ilang buwan ang lumipas, nakita ko sa profile niya sa Facebook ang naging status update niya:

"Jessica is in a relationship with (insert name)." 

Nung oras na nakita ko ang update na yun, na-realize ko kung bakit ganon ang naging turing sa akin ni Jessica. May nanliligaw din sa kanya na ibang tao. No doubt naman na maganda siya, at marami siyang kakilala na taga ibang course at block. Pero ayos lang naman sa akin. Hindi na ako naging affected.

Kinabukasan, nilapitan ko si Anton pagpasok ko ng classroom namin. Binulungan ko siya.

"Tang ina mo Anton." Sabay tawa ko sa kanya.

"Hala? Anong problema mo?!" Tanong ni Anton.

"Wala naman. Gusto lang kitang murahin." Sabay tawa ko.


ToreteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon