Chapter IV - Tingin

5 0 0
                                    

Fast forward tayo sa Third year College

Dito na ang mga pinakamalulupit na subject ng Computer Engineering. Dito sinubok ang tibay at lakas ng loob na magpatuloy sa kursong tinahak namin. Dito rin na kung saan nagsama ulit kami ni Steph sa isang block. Dito rin nagsimulang bumunga ang pag-ibig ko para sa kanya.

General Assembly ng aming organization for Computer Engineers. Isa si Steph sa mga officer at organizer ng event. Nagkaroon sila ng palaro na "Amazing Race" na kung saan pipili bawat officer ng gusto nilang maging teammate para sa laro. Nilapitan nila isa-isa ang mga players na gusto nilang kunin sa team nila. Si Steph, unang pumunta sa akin. 

"Hi Rom!" Sabi niya sa akin pagkapunta niya sa harapan ko.

"Uhm.. Hi, Steph.." Pahiya na pagsabi ko.

Nilagyan ako ni Steph ng isang ribbon sa kanang kamay ko, na simbolo na kabilang ako sa kanyang team. 

Nagsimula ang laro. Takbo dito, challenge doon. Pagkatapos gawin ang challenge, takbo ulit sa kabila. Nakakapagod.

Nang binigyan kami ng isang problem na dapat i-solve para magpatuloy sa next station, nag-panic ang lahat ng miyembro sa team ko. Medyo mahirap ang problem. Conversion ng binary to decimal at isang hexadecimal to binary. Naging paborito ko ang subject na yun nung second year namin. Kaya kinuha ko ang index na kung saan nakasulat ang problem. Nag-volunteer ako na i-solve ang problem. Medyo panic, kasi time-pressured ako. Ilang minuto lang ang lumipas, biglang may sumigaw at nagsabi;

"Go Romeo! Kaya mo yan!" Sigaw ni Steph.

Ako lang siguro ang nakapansin sa sinabi ni Steph. Ang ibang miyembro ng team namin ay busy sa pagtapos ng parallel na challenge, habang ako ay nagso-solve. Napalingon ako kay Steph, at napangiti. Parang biglang tumahimik ang buong lugar pagtapos niyang sabihin yun. Wala akong narinig kundi ang naging boses niya. Kaya di rin nagtagal, na-solve ko rin ang problem namin, na tumagal ng tatlong minuto rin.

Naging third place lang kami sa naging competition. Pero worth it kasi natapos namin ang lahat ng challenge. Habang nagce-celebrate ang lahat, hinanap ko si Steph at nilapitan ko siya.

"Steph, thank you ahh." Bulong ko sa kanya.

"You're welcome!" Sabay ngiti ni Steph sa akin.

Hindi ko inakala na magiging memorable ang pangyayari na yun sa akin. Dun unang nabuo ang paghanga ko kay Steph. Pero dahil sa nangyari sa amin ni Jessica, inisip ko na baka humantong lang din sa wala ang magiging samahan namin ni Steph. Kaya hindi na rin pinalawak ang mga nangyari at hindi ko na rin kinausap ulit si Steph matapos ang event.

Ilang araw ang lumipas, parang naging normal lang sa akin ang mga nangyari. Hindi ko rin masyadong pinapansin at kinakausap si Steph. Kung magkausap man kami, either about sa school works. 

Hanggang sa nangyari ang isa pang hindi inaasahang mangyari...

Binigyan kami ng activity ni Sir Jonas sa Object-Oriented Programming na subject namin. Si Sir Jonas ang naging advisor namin sa buong third year, at karamihan sa mga subjects namin ay siya ang nagtuturo.

Sa akin unang binigay ni Sir Jonas ang template ng magiging activity namin. Habang pinapasa ko sa ibang kaklase ko ang file, biglang nag chat sa akin si Steph.

"Uy Rom, wag mo ko kalimutan ahh." Sabi niya.

Nagulat ako, kahit alam ko naman na yung file ang tinutukoy niya. Pero naging iba ang ibig sabihin sa akin. Wala akong maisip na ire-reply, kaya niloko ko na lang siya.

"Ay siyempre! Kayo lang naman nakakalimot sa akin eh." Pabiro kong sagot sa kanya sa chat.

"Ay hugot." Chat niya.

Smile emoticon na lang ang naging reply ko sa kanya pagtapos. Hindi na rin siya nag-reply.

Sumunod na araw habang oras ng OOP namin, nag-chat ulit siya.

Steph: Romeo?

Ako: Yes, Miss Steph?

Steph: Okay na po hehe thank u :)

Ako: Miss Steph naman eh umasa ako :(

Steph: Hehe nakakaloka ka! Sorry :(

Ako: Ang sakit sa damdamin eh. Parang yung pagmamahal ko sa kanya na hindi niya makita..

Steph: Nakakaloka ka Rom..

Ako: Oo nga eh. Naloloko na rin ako dahil sayo :)

Mga ilang oras ang lumipas, hindi siya nag-reply. Inisip ko na baka nailang siya sa sinabi ko. Pero sinubukan ko ulit. Habang nagtuturo si Sir Jonas, nag chat ulit ako sa kanya.

Ako: Seenzoned :(

Ilang minuto lang ang nakalipas, nag-reply na siya.

Steph: Hindi po, naghahanap po ako ng emoticon para sayo. Wala po kasi ako mahanap. Grabe di kaya kita siniseenzoned :'(

Ako: Hindi Miss Steph, yung feeling na umaasa ka lang para sa wala :(

Steph: Grabe wala na ako masabi, ang galing mo Romeo hehe :)

Ako: Ang saya ko na nga nung makita ko pangalan mo sa notif ko eh, tapos wala lang pala </3

Steph: Ang alin ba ang hindi mo matanggap? Wala naman akong pinapatanggap sayo na makakasakit sayo ahh :( Hehe chos

Ako: Pinaasa mo kasi ako eh...

Ilang minuto ring hindi nag reply si Steph. Kaya lumingon ako sa kanya at kinilatis kung ano ang ginagawa niya. Pagtingin ko, parang galit ang hitsura niya. Nakakunot ang noo.

Ako: Galit ka na ata. Sorry na :(

Steph: Hala ka, nakakaloka. Hindi kaya! Tumitingin ka kasi nang walang pasabi, di tuloy ako nakangiti. Hehe chos :)

Ako: Titingin ulit ako. Ready ka na ngumiti :)

Ilang saglit lang, sabay kaming tumingin sa isa't isa. Sabay din kami ngumiti. Sa oras na yun, iba ang naging pakiramdaman ko. Sa loob ko, napa "Shet! Bakit ang cute niya?!" ako. Grabe. Bakit ganito?

Pero siyempre, chill lang ang itsura natin. Hindi pwedeng ipakita na kinilig ka.

Steph: Nakakaloka ka hehe

Ako: Ayiieee <3

Steph: Ayoko na

Ako: Hala. Ayaw mo na sa akin? </3

Steph: ihhh...

Ako: Di ko talaga matanggap.

Steph: Ako nga di ako matanggap na di ako nakahabol sa plus eh :(

Ako: San may plus?

Steph: Secret

Ako: Hala, Miss Steph naman eh lagi mo akong sinasaktan :(

Steph: Ang cute mo Romeo hehe

"Hala, bakit niya sinabi yun? Sheeeeet!!" Sabi ko sa loob ko, na gusto nang sumabog sa kilig.

Ako: Aw kinilig ako <3

Steph: hehe

Dahil sa kilig, wala na akong masabi. Hindi ko na siya nireplyan pagtapos nun.

Nang natapos ang klase at umalis na si Steph para sa next subject niya, sinamahan ko na sina Wayne at Anton at nakipagkwentuhan. Pero hindi ko sinabi sa kanila yung nangyari.

Hindi ko naramdaman ang ganitong klaseng feeling ng matagal na panahon. 

I felt the love.


ToreteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon