Chapter VI - Confessions and Consequences

6 0 0
                                    

Nagbago na ang buhay ko matapos ang araw na yun. Kada umagang dumarating, dali-dali akong naghahanda para sa pagpasok. Sobrang sigla ko na isang araw, napatanong si mama:

"Anong nangyayari sayo, nak? Anong vitamins iniinom mo?"

"Huh? Wala ma! Masama bang maging masaya paggising?" Aniya ko.

Every first subject namin, yung room namin ay nakahiwalay sa mismong main campus. Kami lang mga Engineering students ang gumagamit ng mga room doon. TInatawag siya ng mga Engineers na NB or "New Building." Tawag lang sa kanya yun, pero hindi talaga siya New. 

8:30am ang start ng Electric Circuits na subject namin, pero 6:30am pa lang ay nandun na ako sa room. Madalas, ang kasunod ko na dumarating ng maaga ay si Steph. Kaya lagi kaming nag-uusap tuwing umaga ng kung anu-anong pwede namin mapag-usapan. May isang oras pa nga na nagtakutan kami, na may multong nagbabantay sa NB kaya walang mga estudyanteng tumatambay dun kundi mga Engineering students lang. Siyempre, hindi ko alam kung totoo yun o hindi. Pero simula bata, hindi ako naniniwala sa mga multo. Mahilig ako sa mga horror movies, pero hindi pa ako nakakakita ng multo sa totoong buhay.

Malapit na ang Valentines Day. Isang araw, inisip ko kung bibigyan ko kaya si Steph ng regalo? Alam ko sa sarili ko na kapag binigyan ko siya ng regalo, malalaman niya na may nararamdaman ako sa kanya. At dahil dun, posibleng masira ang pagkakaibigan namin. Pero nakaramdam din ako ng takot na baka pagdating ng panahon, may isang taong dumating at magsabi na may gusto yung taong yun sa kanya. Posible. Pero hindi ko alam kung sino. Kaya sabi ko sa sarili ko; "Putek na yan, bahala na!"

Inisip kong gumawa ng isang sulat. Dun ko nilahad ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya tungkol sa feelings ko. Kung paano nagsimula, kung bakit ako nagkagusto sa kanya sa dami daming babae sa campus, mga ganong content. Kada umaga, yun ang ginagawa ko. Sa isang sheet ng Yellow Pad ko sinusulat. May isang beses pa nga na muntik na akong mahuli ni Steph. Bigla na lang siyang pumasok sa room nang hindi ko napansin.

"Uy Rom! Ano ginagawa mo?" Biglang tanong ni Steph pagkapasok niya ng room.

"Ayy wala." Bigla kong tago at nilagay yung Yellow Pad sa bag ko. "Assignment lang sa isang subject namin. Di ko kasi nagawa kagabi."

"Ahh, okay." Sagot ni Steph, sabay upo sa isang sulok.

Nag-aalangan pa rin ako kung ibibigay ko ba to sa kanya, o hahayaan ko na lang na maramdaman niya sa mga kilos ko. Pero grabe yung takot na umiiral sa akin. Ayoko nang maulit yung nangyari sa akin nung high school. Kaya pinagpatuloy ko siya.


February 14

First time kong hindi nakarating ng maaga sa NB. Naghanap muna ako ng mabibilhan ng envelope na kung saan ko ilalagay ang sulat, at bumili rin ako ng tatlong Choco Choco. Bakit Choco Choco, at bakit tatlo? Choco Choco, dahil paborito ni Steph. At tatlo para "I love you." Di ba, ang korni? 

Natatakot pa rin ako sa oras na yun. Ni hindi ko alam kung paano ko ibibigay kay Steph. Buong kalahating araw, hindi ko siya nakausap. Hindi ako naintindihan yung mga naging lecture ng Prof namin nung umaga. Nakatulala lang ako. 

Natapos ang klase namin nung umaga na hindi ko man lang nabigay ang sulat. Dahil ibag na ang subject ni Steph pagdating ng tanghali, hindi na kami magkikita ulit. Bigla ko na lang inisip, kung ipabigay ko na lang kaya yung sulat? Sa paraang iyon, hindi ko makikita ang magiging reaksyon ni Steph sa oras na makita niya yung sulat.

Habang naglalakad sa hallway, nakasalubong ko ang isa sa kaibigan ni Steph, si Michael. Close friend siya ni Steph na varsity ng Badminton. Sa lahat ng kaibigan ni Steph, siya ang naging close ko.

"Mike!" Biglang lapit ko kay Michael.

"Uy Rom! Musta? San ka?" Sagot ni Michael.

"Breaktime ko pa eh, kaya naggagala-gala lang." Sabi ko habang iniisip kung paano ko isisingit ang pakikisuyo na ibigay yung sulat kay Steph.

"Ahh, punta akong library. Di ko pa kasi nagagawa yung isa kong assignment eh." Aniya ni Michael.

"Uyy pre!" Bigla kong tugon sa kanya. "Pwede makisuyo?"

"Ano yun pre?" Tanong niya.

Nilabas ko ang envelope na kung saan nakalagay ang sulat kasama ng tatlong Choco Choco.

"Pwede pakibigay kay Steph mamaya sa klase niyo?" Sabi ko kay Michael, sabay bigay ko ng envelope.

"Ano to pre?" Laking gulat niya sa mukha pa lang. "Valentines gift mo kay Steph?"

Nag-isip pa ako kung ano sasabihin ko.

"Oo pre. Sulat lang." Sabi ko.

"Sige sige, bigay ko sa kanya mamaya." Sabay alis ni Michael habang nakangiti sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako matapos kong mabigay ang sulat. Hindi ko alam kung mali bang pinabigay ko lang yung sulat para kay Steph tapos maghintay ng kanyang reaksyon kinabukasan? Hay nako, Romeo...

At yun nga, kinabukasan. Maaga ulit ako nakapasok. Nagulat ako dahil halos lahat ng kaklase namin ay nakarating na, pero wala pa rin si Steph. Saktong 8:30am, pumasok siya sa room. Habang papunta siya sa upuan niya. napansin ko na parang iniwas niya yung tingin niya sa akin.

Oras ng uwian, nakita ko si Steph mag-isa na naglalakad papunta sa LRT station. Agad akong humiwalay sa mga kaibigan ko at dali-daling naglakad para mahabol siya.

"Steph!" Sigaw ko habang naglalakad ng mabilis papunta sa kanya.

"Hi Rom." Sagot ni Stella, sabay tigil ng paglalakad para mahintay ako.

"Tara sabay tayo pauwi." Sabi ko.

"Sige." Sagot niya.

"Uhm, bakit ka pala muntik ma-late kanina? Parang ngayon lang kitang nakitang na-late ahh." Sabay tawa ko pagtapos.

"Ahh, may sakit kasi yung nanay ko kanina. Bumili muna ako ng gamot bago ako umalis ng bahay papasok. Dapat nga hindi na ako papasok eh pero sayang naman yung absent ko." Paliwanag ni Steph.

"Ahh ganon ba? Kamusta na nanay mo ngayon?" Tanong ko.

"Okay na siya, si ate yung nagbabantay sa kanya ngayon. Nag-leave ate ko para mabantayan siya." Sagot ni Steph.

"Ahh, okay buti naman." Sabi ko.

Bigla kaming napatigil pagtapos nun. Naglalakad na lang kami pero wala kaming pinag-uusapan. Bumuwelo lang ako, at nagtanong na ako sa kanya:

"Natanggap mo yung sulat ko para sayo?"

Biglang ngumiti si Steph at tumingin sa akin. "Sayo ba galing yun?" Tanong niya.

"Oo, pinabigay ko lang kay MIke sayo." Sabi ko.

"Taray ahh. Ang haba ng sulat." Sabi niya. "Tapos may choco choco pa." Dagdag pa niya.

"Ayy oo, di ba favorite mo yun?" Sabay ngiti ko sa kanya.

"Thank you. Na-appreciate ko." Sabi niya sa akin.

"Welcome!" Sagot ko.

Napaka-awkward ng pag-uusap namin nung oras na yun, shet! Wala na kaming nabatong kahit isang salita man lang matapos yun. Hanggang sa nakarating na kami sa LRT station, nagpaalam na lang ako bago humiwalay sa kanya.

At yun na nga, sa araw na yun nagsimula ang pagkailang niya sa akin...

ToreteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon