Chapter II - One Sheet of Yellow Pad

8 0 0
                                    

"Hi Rom! Kamusta?" Tanong sa akin ni Tina pagkapasok ko ng drafting room.

"Uy Tina! Ayos lang. Natapos mo ba yung isang assignment natin sa Calculus?" Sabi ko sa kanya.

Si Tina ang unang babaeng naging ka-close ko sa block namin. Maliit lang din siya, pero malapad ang noo. Makulit, at palakaibigan. Medyo mataray kapag hindi naging maganda ang naging usapan niyo. Pero isa siya sa mga nakita kong isang totoong kaibigan na makikilala mo. Meron siyang long-time boyfriend, kaya hindi ko nakitaan sa kanya na magugustuhan ko siya pagdating ng panahon.

Oras ng Calculus subject namin. Halos lahat ay may gawang assignment na binigay ni Ma'am Francesca sa amin last meeting, maliban sa isa; si Wayne. Pagpasok  ko ng room namin, biglang lumapit sa akin si Wayne at nagtanong.

"Pre? May assignment ka na sa Calculus?" Tanong ni Wayne.

"Meron na." Sagot ko. "Ikaw ba?"

"Nakalimutan ko nga eh. Pag sinagutan ko naman ngayon, di na rin ako aabot." Sabi ni Wayne, habang nag-aalala.

Kinuka ko ang binder ko para sa Calculus at binigay kay Wayne. "Ito pre. Kopyahin mo na lang yung gawa ko para di ka na mag-solve." Sabi ko.

"Okay lang pre?" Tanong niya.

"Oo naman!" Sagot ko.

"Uy salamat pre! Wayne nga pala."

"Romeo, or Rom in short. Nice to meet you." Sabay shake hands ko sa kanya.

Si Wayne ay isa sa mga lalaking napapansin kong maraming nagkakagusto sa kanya. Sa totoo lang, unang pansin ko sa kanya ay nagwapuhan ako, kumpara sa itsura ko. Mala "baby face" ang datingan, pero maliit din. Yun ang una naming pag-uusap.

Habang naglalakad ako pauwi, bigla akong hinabol ni Wayne at sinabayan kasama ang isa pa naming blockmate na si Anton.

"Uy Rom!" Sabi ni Wayne. "Salamat pala kanina, pinakopya mo ko ng assignment. Lumabas kasi ako kahapon, tapos pag-uwi ko, nakatulog na agad ako dahil sa pagod."

"Okay lang yun!" Tugon ko.

Saka niya pinakilala sa akin si Anton.

"Si Anthony nga pala, pinsan ko." Sabi ni Wayne.

"Anton na lang tawag mo sa akin. Ikaw si Romeo noh?" Tanong ni Anton.

"Yep." Sagot ko.

"San ka pala nakatira?" Tanong ni Wayne.

"Sa Las Pinas. Kayo ba?" Pabalik na tanong ko.

"Sa may likod lang ng Redemptorist yung bahay namin, sa Baclaran." Sagot ni Wayne.

"Ahh. Ano sinasakyan niyo pauwi?" Pahabol kong tanong.

"Naglalakad lang kami pa-LRT, Baclaran na rin yung baba namin. Tapos lakad na lang pagbaba ng LRT." Paliwanag ni Anton.

Matangkad si Anton. Malalim ang boses, medyo malapad ang katawan. Pero ang higit na kapansin-pansin sa kanya ay ang mata niya. In-born siya na walang eye ball sa kanang mata niya. Napaisip ako na napabilib. Napaisip akong posibleng isa siya sa mga biktima ng pagbu-bully nung bata pa siya. Napabilib dahil sa lakas ng loob at determinasyon niya na magpatuloy sa buhay, sa kabila ng estado niya. 

Sa oras na yun nagsimula ang samahan namin nila Wayne at Anton.

Isang buwan ang lumipas, marami na akong nakilalang blockmates. Kabilang dun ay mga top DotA players ng buong Engineering department namin. Kada breaktime, nagkakaroon sila ng kapustahan sa mga ibang block section, habang kami ay mga side bets lang. Lagi silang nananalo sa mga laro nila. Habang sila ay nananalo, ako naman ay natutuwa. Siyempre, dagdag baon ko na rin sa araw na yun kapag nakapagbayad ang kalaban, kahit side bet lang.

Nakilala ko rin sina Josh at Patrick, na mag-pinsan din katulad ni Wayne at Anton. May gusto si Josh sa isang blockmate namin na si Denisse. Habang si Patrick naman ay may long-time girlfriend na.

Prelim Exam namin sa Calculus. Pinakuha kami ni Ma'am Francesca ng isang Yellow Pad para dun magsagot at maglagay ng solution. Nilabas ko ang isang banig ko ng Yellow Pad at kumuha lang ng isang papel. Biglang may isang babaeng lumapit sa akin at humingi ng Yellow Pad. Si Steph pala yun.

"Excuse me?" Sabay kalabit ni Steph sa aking balikat.

"Hi!" Bigla kong tingin sa kanya.

"Pwede ba ako makahingi ng one sheet of Yellow Pad?" Tanong niya.

"Piso lang po isa." Biro ko.

"Ayy sige. Wait lang." Sabay kuha niya ng barya.

Pero joke lang talaga yun. Hindi ko naman gustong magbenta ng isang Yellow Pad. "Uy joke lang! Eto ohh." Sabay bigay ko ng isang sheet.

"Sure ka, ayaw mo?" Tanong habang inaabot ang piso sa akin.

"Wag na uy! Joke lang yun!" Sabi ko sa kanya.

"Sure ka? Thank you!" Sabi niya bago bumalik sa kanyang puwesto.

Yun ang una naming pag-uusap namin ni Steph. At ang una ko ring joke sa kanya. Di ba ang korni?

ToreteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon