Chapter 6: Detention

848 12 1
                                    

Chapter 6: Detention  

Zem's POV  

Walang ilaw. Maraming lalake. Makalat. Maingay. At kung ano ano pa na pwedeng i-describe sa isang DETENTION! Oo! Nasa detention ako!! Dapat kase sina Jacky, Rhea at Misty yung nandito eh! (At oo! Kilala ko na sila! Si Jake nagsabi sakin.)  

At ako lang yata ang nagiisang babae eh, kaya sa pinakahuli ako umupo. Alangan naman makikisalamuha ako sa mga lalake diba?! Buti na lang tumabi pa sakin dito si Jake. Mabait naman kasi siya, "Katakot naman dito.." bulong ko.  

Tumingin sakin si Jake, tapos ngumiti siya, "Haha! Wag kang matakot, wala namang mangyayaring masama sayo dito eh! Nandito naman kame ni Kevs tsaka Four." ngumiti na lang ako narinig niya pala yun? Pero pag naririnig ko rin yun pangalan ni Four Mercado, kumukulo yung dugo ko bigla. (-___-)  

"Alas bro! Hahaha!!" sigaw ng isang lalake. Ingay, aish! "Hoy Jake! Lika! Sama ka dito samin!"  

Tumingin sakin si Jake, kahit na madilim dito, may bintana naman sa may gilid namin. Kaya kita ko sa mukha niya na naghehesitate pa siya. Tumango na lang ako, tsaka ngumiti, "Sama ka na sakanila, okay lang ako dito.."  

"Sure ka?"  

"Oo naman noh! Ayos lang ako, hehe"  

Tumayo na siya, "Sure ka ah?" tumango ako, kaya naman ngumiti na siya, "Ge! Maglalaro lang ako, na-miss ko na rin maglaro ng baraha eh. Hehe! Tawagin mo na lang ako kung may lumapit sayo na sira-ulo ah?" nagwink siya tsaka umalis na.  

10 minutes passed  

"Aaaaahh!" *yawn* *unat-unat* inaantok ako. Huhu. Gusto kong matulog. Siguro puti na mata ko dito. Walang magawa, tsaka wala akong kausap.  

"Shit! Ingay mo naman!!"  

Napalingon ako sa bandang kanan ko. At.. At.. (O______O) "Omg! S-sino ka?!" may lalakeng nakayuko yung ulo. Yung tipong natutulog sa armchair. "Mul--to? KYAA----"  

Bago pa ko maka-sigaw natakpan niya na ang bibig ko gamit yung lefthand niya. At.. Ang lapit ng mukha namin.. Y-yung mata niya... Kilala ko s-siya! "Hindi ako multo babaeng amazona. Tsk!" tapos inalis niya yung kamay niya na nakatakip sa bibig ko, "Sa gwapo kong 'to, pagkamalan ba naman akong multo!? Bulag. Tss!" bulong niya pa.  

Hatred Born into Love (ON GOING) [KathNiel FF]Where stories live. Discover now