* I would like to dedicate this intro to my favorite author (Alesana_Marie), Miss Alesana wag po sana kayong magalit kung ginamit ko yung nickname niyo sa isang character sa story ko. Hayaan niyo po Alesandra ang real name niya :) Hihi. Enjoy reading Guys! ♥
//Introduction
bzzzt bzzzt
1
message recieved
From: Bestpren'Cheer
Hey Zem! Nand2 aqo sa bahay ni Ales, pnta ka daw d2.
-- END --
Ah, si Cheer lang pala. Ma-replyan nga! Naks, may load XD
To: Bestpren'Cheer
k.
-- SENT --
Wala naman kasi akong ibang sasabihin eh. Kaya 'K' na lang ang i-rereply ko :D Mas mabuti na yun kesa sa wala noh!
Nag-bihis na ako. Afterwards, nagpaalam na kay Mama and Kuya Kirby. Mabuti na lang at iisa lang yung subdivision na tinitirahan namin nina Ales at Cheer kaya pwedeng-pwede ko lang siyang lakarin.
Ano ba yan?! Umulan pala kagabi kaya basa yung daan. Tss. Hassle naman oh. Lakad lang ako ng lakad ng lakad ng lak--
*splaaaaaash*
WHAT THE?! Napatingin ako doon sa kotse na dumaan buti na lang at hindi pa siya nakakalayo. Inalis ko yung sandal ko sa paa ko at tinapon doon sa kotse. AYUN! SAPUL! Nako! Lagot ka talaga sakin kung sino kaman!
Huminto yung sasakyan at lumabas yung driver ng kotse. Gulp. One word to describe him. Gwapo. Pero sheteng kalabaw naman! Tignan mo kaya 'tong ginawa niya, sa sobrang bilis niya mag paandar ng sasakyan niya, nabasa tuloy ako ng putik!
"Hoy babae! Ano bang problema mo ha?!" Sigaw niya.
Lumapit naman ako sa kanya, "Anong problema ko?! Huh! IKAW ang prblema ko! Tignan mo nga oh, sa sobrang bilis mo mag-drive nadumihan tuloy ako! Nagmukha akong taong putik! Ang dungis dungis ko na!"
Pero parang hindi niya yata ako narinig. Rinig ko pa yung bulong niya na, "Curse this woman! Dinumihan yung sasakyan ko!"
"Hoy! Ano bang binubulong mo dyan?! Tsaka, malilinisan din yang sasakyan mo noh!" Kinuha ko yung sandal ko na may putik na dumikit sa likod ng car niya, "Mukha ka namang mayaman kaya pwedeng pwede mo ng ipalinis yang sasakyan mo. Pero, tignan mo naman ako?! Ang dungis ko na! Kasalana--"
YOU ARE READING
Hatred Born into Love (ON GOING) [KathNiel FF]
Teen FictionSi Arianne Zemarie Santos ay isang kilalang "BULLY." For her 16 years of existence, sa isang school for girls siya pinasok ng mga magulang niya. But what if, dahil sa isang desisyon mapapalipat siya sa school-for-all? Then there she'll meet her 'so...