Chapter 15: Partners-in-crime

874 14 0
                                    

ÿþChapter 15: Partners-in-crime

"I-in10nse?"

Muli akong tumingin kay Dianne. Nanginginig yung boses ko. Hindi na rin tuloy ako makakain ng maayos.

"Sila ang kilalang gang dito sa Herendel. Kinatatakutan sila at sila ay kilabot dito. Wala pa ang nag-tangka na lumaban sa kanila maliban sa.." she locked her eyes on me.

"sa...?" I cant help it! Nat-thrill na ako kahit na natatakot ako ng kaunti noh!

"Sa H-- WAAAAAAH! Ipisssss!!!!!! Flyiiiiiiinggg ipisssss!"

Ha? Kinalaban na sila ng.. ng Flying Ipis?

Tumingin ako kay Dianne.

"Pinagloloko mo ba ako Dianne?" straight face na tanong ko. Ano ba yan, psh. Makati yung noo ko =___=

Nanlalaki yung mata niya tapos nung napatingin ako kay Cheer at Ales sabay silang tumayo at nagsisigaw ng, 'ipiisssss' tinuturo pa ako. Aba? At talagang nagsabwatan pa sila nina Dianne ah?

Tumayo ako.

"Ipis kayo dyan! May tanga bang Gang Leader na gagawing 'Ipis' yung pangalan ng gang nila? Haha!"

Diba? Wala namang tanga na leader na gagawing 'Ipis' or 'Flying Ipis' yung pangalan ng binuo niyang gang. Siguro pinagloloko ako nito ni Dianne. Aish! Teka nga! Ang kati talaga ng noo ko, parang kinikiliti ako. Ay ewan.

Tuloy pa rin sa pag-sigaw ng 'Ipis' at 'Flying Ipis' sina Cheer at Ales. Si Dianne naman lumayo-layo ng konti sakin. Tumingin ako sa paligid ko at nakatingin na pala yung ibang students sa amin tapos nung napatingin sila sa.. sa.. noo ko.. bigla na rin silang nag-sigawan. Nagtakbuhan pa.

Nung naramdaman kong may kung anong gumagapang sa ulo ko. Bigla akong nanigas at isabay na rin yung panlalaki ng mata ko.

"ANO.YUNG.GUMAGALAW?" Pigil hiningang tanong ko.

Wag...

Niyong..

Sabihin..

Sa akin..

Na..

Na..

May..

"WAAAAAAHHHH! ZEEEEEM! IPIS! MAY IPIS SA NOO MO!!!!!"

At yun na nga ang inaantay kong kompirmasyon. Naging hysterical agad ako. Para akong nasapian.

"AAAAHHH! ANO BA! ALISIN NIYO! ALISIN NIYO! YUUUUCK! HUWAAAH MAMA! ALISIN NIYO PARANG AWA NIYO NA!" tumingin ako kila Cheer, Ales at Dianne, pero hindi man lang sila lumalapit, "HUY KAYONG TATLO! ALISIN NIYO YUNG --- WAAAAAAAH!" sigaw ko muli ng maramdaman kong lumakad yung ipis papunta sa gitna ng kilay ko. "MAMAAAAAAAAHH!"

Mangiyak-ngiyak na ako. Nararamdaman ko kasi yung paa at kung anong tawag dun sa parang buhok ng ipis. Huhuhuuuu!! Takot pa naman ako sa mga ipis. Pumikit na lang ako ng mariin. Natataranta na rin kasi ako eh. Somebooody help meeeeeh! Pleaseeee!

"Ang sakit sa tenga ng boses mo. Ang tinis. Tss!" then naramdaman kong may humawak sa balikat ko dahilan para kumalma ako. Tsaka yung kamay na lumakbay sa noo ko at parang inaalis yung nilalang na nanduon.

Yung boses na yun..

Si..

Binuksan ko ng dahan-dahan yung mata ko. At nakita ko si..

"Four.."

Siguro may sariling buhay yung kamay ko at bigla ko na lang siyang niyakap. Napa-iyak na rin ako sa takot eh.

Hatred Born into Love (ON GOING) [KathNiel FF]Where stories live. Discover now