Chapter 3: My FOURth day

827 15 0
                                    

Dedicated kay Ate Denny ☺✌ Diary Ng Panget series po kasi yung una kong nabasa sa watty, kaya dedicated din po itong unang story ko kay Ate Dennyyyy~! Hihi 😁

Enjoy reading ♥ ♥

~~

Chapter 3: My FOURth day

Nung araw na rin na yon, lutang yung isip. Ewan ko, pero pagkabanggit ni Dianne ng pangalan ng seatmate ko, biglang nanindig yung balahibo ko, kasabay na rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko dulot ng kaba.

Mabuti pa, wag ko na muna isipin yung mga sinabi ni Dianne. Friday ngayon. Naka-PE kame. Nandito ako sa may waiting shed, inaantay ko sina Cheer at Ales. Tungkol kay Dianne, naging magkaibigan na kame. Sumasabay na siya samin minsan. Tumingin ulit ako sa relo ko. Ayaw ko panaman na pinagaantay ako. Ang tagal naman nila, almost 15 minutes na simula nung nandito ako eh. Mukha tuloy akong tanga!

"Siya na yata yung bagong student," bulong ng isang babae dun sa kasama niya.

"Balita ko pa naman sa 4-D siya nalipat at magiging seatmate niya si Four!"

"Talaga? Naging bukambibig siya ng mga lalake for 4days,"

"Asan na kaya yung kasama niya?"

Nung napansin nilang nakatingin ako sakanila, dali-dali silang naglakad palayo. Korny nila (=___=) Habang nag-aantay ako, nag-flashback nanaman lahat ng sinabi sakin ni Dianne. Di ko talaga maiwasang maisip yun.

'Magkaka-seatmate ako na Gangster.'

' Totoo ba 'to? O sadyang OA lang talaga ako magreact? Dapat nga di ko na yun bini-bigdeal. PAKE KO NAMAN KUNG SEATMATE KO YUNG GANGSTER NA YUN? WALA NAMANG MAGIGING PROBLEMA DUN EH!! WALA TALAGA! AS IN WALA!

'Four Mercado'

Sino ka ba talagang gangster ka? Ugh! Buong week halos lumulutang yung isip ko kakaisip kung sino ba yun. Aish! Naiintriga ako sayong hayop ka eh.

"Hayop agad?"

"Sheteng kalabaw!" *boogsh*

"Ouch!"

Paano ba naman kasi. Nandito ako sa may waiting shed at nagiisa, tapos bigla na lang may susulpot sa tabi mo at uulitin yung sinabi sa utak mo. Ayan! Nasuntok ko tuloy siya. Eh sa ganun ako kung nagugulat eh!!

Hatred Born into Love (ON GOING) [KathNiel FF]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora