Chapter 5: Messed up

1.1K 11 0
                                    

A/N: I-eedit ko na lang po sa to sa thursday 😊😊

Enjoy reading!

----

Chapter 5: Messed up

Minulat ko paunti-unti yung mata ko.

(O____-) right eye openu

(-____O) left eye open

*blink blink*

(^_________^)

HAAAAY! Mabuti naman at gumana ang plano ko! >:D Henyo talaga ako. Kaya mahal ko sarili ko eh! Kanina kase nung naaalala na ni Four Mercado na ako nga yung bumato ng sandal sa kotse niya, nagkunwari akong nahimatay. Well, gumana naman. Hahaha! Ang galing ko talaga! Whoo! Pero sa tuwing naalala ko kung sino yung bumuhat sakin, nasusuka ako.

'Sino nga ba bumuhat sa'yo?'

Edi sino pa ba? Ang aroganteng si Four Mercado!! Siya lang naman po ang bumuhat sakin papuntang clinic. Edi siya na may malaking katawan!! Aish! Nakakasuka nga lang sa tuwing naiisip ko na binuhat nga niya ako papunta dito sa clinic.

Tumingin ako sa wrist watch ko. '12:26pm' na. Sabi ko iidlip lang ako kasi nga nagkunwari akong nahimatay kanina pero di ko napansin. Nakatulog na pala ako. Pati namiss ko na nga yung PE, pati ba naman yung apat na subject ko. Tsaka, yung math? Err. Sayang! Favorite subject ko pa naman ang mathematics (^u^)

*Grrruuuuu*

"Oooops," bulong ko. Hinimas ko yung tyan ko. Gutom na ako. Unti-unti akong bumangon sa bed ng clinic. Nagunat-unat pa ako.

"How do you feel?"

"SHETENG KALABAW!" napatingin ako sa nurse na sumilip sa curtain ng cubicle ko."Ateng nurse, buti na lang at wala akong sakit sa puso! Nako. Baka mamatay ako ng maaga ng dahil sa inyo eh!"

Tumawa ng mahina yun si Ateng Nurse, "Hehe! Pasensya ka na. Naistorbo ba kita?" sa edad ni ateng nurse, mga nasa 21 pa lang siya.

"Di naman po," ngumiti ako sa kanya, "Sakto naman po yung dating niyo kasi ayos na po ako. I feel better than earlier." ngumiti ulit ako sakanya, smile with assurance.

"Okay, pero fill-up mo muna 'to bago ka umalis," may binigay sakin si Ateng nurse na clinic slip. Kinuha ko naman agad yun. "Nga pala, dinala 'to ni Dianne, sabi niya ibigay ko daw syo para makapag-palit ka na ng uniform." Lumabas na rin si Ateng nurse. Buti na lang dinalhan ako ni Dianne ng uniform, meron kasi ako nun kaso nasa locker siguro kinuha niya lang din dun. Silang tatlo lang kasi nakakaalam ng password sa locker ko. Aish! Nakalimutan ko palang itanong yung name ni Ateng nurse. Mukha kasing mabait naman siya.

Pagkatapos kong i-fillup lahat yun, nagpalit na ko ng uniform. Buti na lang may cr dito sa clinic. Syempre, babalik ako sa classroom. Baka i-report pa ni Tita-- este Ma'am Beryl kay Mama kung magka-cutting man ako. Tsaka sa isang linggo ko dito, maraming nagbago. Hindi na ako nagdi-ditch ng class kung nabobored ako, di tulad dati na free ako. Puro kagaguhan din yung mga pinaggagawa ko eh. Wala pa akong nahahanap na away dito, dahil wala pa din namang naglalakas loob na makatapat ako. Ewan ko ba, mukhang binago ako ng school na 'to eh. Naging matino ako. Ang 'bully' before ay unti-unti ng tumitino. Katuwa naman! (^u^)

***

Dahil lunch na rin naman, dumiretso na ako sa canteen. Gutom na kasi ako eh. Bumili ako ng available meal na sulit na sulit. Fried chicken tsaka isang cup ng rice.

Lumingon-lingon muna ako sa loob ng canteen, nakita ko naman agad sina Ales, Cheer at Dianne. Ayaw ko muna silang lapitan dahil alam kong tatanungin nila kung bakit ako nahimatay kunu kanina. May extra table pa dun sa may huling row ng cafeteria. Duon na lang ako kakai--

Hatred Born into Love (ON GOING) [KathNiel FF]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum