UNEXPECTED LOVE- Chapter 1
Yna's POV
Waaaa! OMG! 7:30 am na! Siguradong late na naman ako sa klase. Tsk, bruha pa naman ang teacher namin sa first period. Kung bakit ba naman kasi siya pa ang unang subject namin eh!
Bumangon agad ako at dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Mabilis lang ako maligo eh Haha. XD Biglang nag-ring ang phone ko habang sinusuot ko ang palda ko. Sino naman kaya itong tumatawag? Nagmamadali na nga ang tao, tss. Dinampot ko ang phone ko na nakapatong sa kama at sinagot, pero hindi pa ako nakaka-hello ay tinalakan na ako nitong babaeng ito.
"Hoy Precious Yna Lamahan! Wala ka bang balak pumasok ha?!" inilayo ko ang phone sa tenga ko dahil halos mabasag na ang eardrums ko sa pagsigaw nitong mabait kong kaibigang si Tricia.
"Makasigaw, wagas?! Heto na nga at katatapos ko lang magbihis." sagot ko habang sinusuklay ang buhok ko.
"Bilisan mo! Ilang minutes na lang darating na si bruha! Siguradong lagot ka na naman sa kaniya 'pag late ka. Lagi ka na lang -" hindi ko na tinapos ang sasabihin niya dahil kapag pinatapos ko pa siya eh di mas lalo akong male-late niyan. Tatalakan lang ako 'nun sa phone, nakakabingi!
"Ma, alis na po ako." paalam ko sa nanay ko habang nag-aagahan sila ni Dexter, kapatid kong muntanga. Haha. Charr.
"Kumain ka muna Yna bago ka umalis,"
"Di na po, male-late na ako. Bye po." agad-agad akong lumabas at tumakbo palabas ng bahay.
"Oy taba! pasalubong ko mamaya pag-uwi mo!" sigaw ng napakabait kong kapatid. Ang bait noh? Ang sweet pa niyan sa'kin. Tss. Lagi akong binubully niyan.
"Asa ka! Sige na lalayas na ko."
Hapong-hapo ako kakatakbo makaabot lang sa bus stop. Madalang lang may dumaang bus doon kaya sinagad ko na ang pinakamabilis kong takbo.
"Hoy Manong! Teka! Hoy!" kinalampag ko ang gilid ng bus dahil ang bingi ng driver nito at hindi man lang ako marinig na nagsisisigaw dito. Grabe, haggard na agad ang beauty ko. >_____<
Pero buti naman at huminto rin ang bus kaya sumakay ako agad. Umupo ako sa may bandang likuran dahil may isang espasyo pa doon. Pero, kung minamalas ka nga naman, late na nga ako tapos ang nakatabi ko pa ang lakas ng putok! Hindi na ako makahinga kakatakip ng ilong ko para di lang maamoy ang BO ng mamang ito. Yung totoo, naliligo rin ba ito? -___-
"Manong dito lang! Salamat!" bumaba agad ako pagkarating ko sa school. Hayy! Buti naman at nakalabas din, ang bansot talaga nung mamang iyon! bulong ko sa sarili ko.
Nakapasok rin naman ako ng matiwasay sa loob ng school namin. Binibilisan ko na ang lakad ko para makahabol ako sa klase ng biglang....
"Waaaaaaaaahhhhhhhhh......"
"Nandiyan na siya.....!!!!"
"Aaaaaaaaaaaaaaaaa!!"
Boogsh!!
Boogsh!!
Arrghabdkidhwhgbcgllgpwkhfhha...!!!
OUCH! Ang sakit nun ah! Banggain ba naman ako ng mga feelingerang mga estudyanteng ito! Nagtitilian na sila at crowded na ang ground. Naiipit na nga ako eh at natatangay na nila.
"Excuse me! Tabi lang! Late na ko! Excuse." sabi ko habang pilit akong nakikipagsiksikan sa kanila para makaalis lang doon.
Lagi na lang ganito ang eksena sa tuwing dumarating sa school si Prince Timothy Carbonel, ang hearthrob prince ng campus. Model siya ng bench at madalas din kunin sa mga commercials sa tv. Ang nanay niyang si Samantha Carbonel ay isang sikat na actress. Ang tatay naman niya ay isang businessman. Laging may nakabuntot sa kaniyang mga guard dahil parati siyang pinagkakaguluhan ng mga fans saan man siya magpunta at minsan may mga paparazzi pang sumusunod sa kaniya kaya binabantayan talaga siya. Aba, daig pa niya ang isang prinsipe ah! hindi halata sa pangalan eh ano? XD Kaya nga ang hirap maging sikat. Buti na lang hindi ako sikat! Haha.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE
RomanceThis series focuses on the lives of Prince Timothy Carbonel and his new bride, Precious Yna Lamahan. Please Read >>>> ^_^