Chapter 13

8 0 0
                                    

UNEXPECTED LOVE — Chapter 13

Earl's POV

Carbonel's resort : Timothy's birthday... ( Nov. 16, 2014 )

"Are you alright?" I asked Yna. Mukha kasi siyang tense at hindi mapakali.

Anyway, birthday ni Timothy ngayon at dito niya naisipang magcelebrate sa resort nila sa Makati. Nandidito rin ang mga barkada niya, sila Bradley, Kaiser at Hiro. Pati pala si Davika, present din. Hindi kaya dahil kay Davika kaya nati-tense si Yna? o___o

"Ahh . . . okay lang ako. Madami kasing tao eh, hindi ko maiwasang kabahan," she answered. Nasaan ba kasi si Timothy? Dapat siya ang kasama ni Yna ngayon. >o<

"Don't worry, I'm here . . ." I glared at her and gave her a smile. Sana sapat na iyon para gumaan ang pakiramdam niya.

"Nasaan ba kasi si Prince? Napaka talaga ng mokong na iyon. Iniiwan ako, tss!" she frowned.

"I think nag-i-entertain siya ng mga bisita. Di bale, hahanapin ko siya para sa iyo. Stay here. . ." I offered then umalis na ako para hanapin ang pinsan ko. Bakit kasi iniiwan niya ang asawa niya. I murmured.


Yna's POV

SANA pala hindi ko na lang ipinahanap kay Earl si Prince. Naiwan tuloy akong mag-isa ngayon dito sa isang rest house. I sat down on the chair, nagmumuni-muni habang hinihintay si Earl. Kahit ang ganda ng lugar hindi ko siya maenjoy. Wala naman kasi akong makasama para libutin ang resort. Yung magaling kong asawa iniiwan na lang ako basta-basta, buti na lang at nandiyan lagi si Earl para kausapin ako. Mukha tuloy akong loner dito. =________=

"Hey! How are you Mrs. Carbonel?" napalingon ako sa nagsalita. Si kaiser, kasama niya sila Hiro at Bradley. Tss, asan ka na Earl? I murmured to myself. Tumayo ako at akmang aalis na pero bigla akong hinarangan ni Kaiser. "Hell no! You don't have to go. By the way, where's Timothy?" tanong niya. Bakit ba nila hinahanap sa akin si Prince? Dapat nga ako ang magtanong eh. >_<

"What kind of party is this. . . so boring. . . hehehe," pangisi-ngising sabi naman ni Bradley. Lagot ka kay Prince! Isusumbong kita! "Yna, could you tell us your life as a Carbonel? Are you happy now?" Ano bang sinasabi nito? Parang iniinsulto ako eh. Akala ko pa naman mabait si Bradley. °______°

"For sure she's happy now, a poor became a rich in just a blink of an eye. . . lucky girl. . ." sabi naman ni Hiro. Akala ko talaga iba sina Bradley at Hiro kila Kaiser at Prince. Masasama rin pala ang mga ugali. Hindi ako makapagsalita dahil nagugulat ako sa mga pinagsasabi nila. They burst out laughing at talaga namang ikinairita ko. >o<

UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon