Chapter 3

10 0 0
                                    

UNEXPECTED LOVE - Chapter 3





3rd person's POV


ALAS nuwebe y media na nagising si Yna kinaumagahan. Sinadya niya ring hindi gumising ng maaga dahil 1pm pa ang time niya mamaya. MWF ay whole day siya, kapag TTH naman ay half day lang. Bumangon siya at pumunta ng banyo, naghilamos at nagtoothbrush siya saka pumasyang lumabas ng kwarto.

Nagtaka naman siya nang makitang bago na ang tv nila. Malaki ito as in malaki talaga at flat screen, dati napapagod pa siyang ayusin ang antena ng tv nila dahil malabo. Then, yung sofa nila bago na rin. May refrigerator na rin sila at iba pang appliances. Hindi naman niya maintindihan kung bakit may mga bago silang gamit eh ang dami na nga nilang utang para bumili pa sila ng mga ganun.

Narinig niyang may mga nagsasalita sa labas ng bahay nila kaya lumabas siya. At, mas nagulat siya sa mga nakita niya. O______O

"Salamat po! Pakisabi po kay Mr. Carbonel na salamat dito sa mga binigay nila. Grabe, tuwang-tuwa po kami. Hindi ko na nga po alam kung magkakasya pa ito sa loob ng bahay." narinig niyang sabi ng Mama niya sa lalaking nakasuot ng itim na Amerikana saka ito sumakay sa isang magarang kotse at umalis na. Sino naman yun?

"Ma?!" tawag ni Yna sa ina na abalang-abala sa pag-aasikaso ng mga bago nilang appliances sa bahay.

"Oh taba! Gising ka na pala, tingnan mo ito oh. Bigay ito ng mga Carbonel. Ang swerte talaga natin!" tuwang-tuwang sabi ni Dexter at nakita niyang may binitbit itong isang box saka humarap kay Yna. "Siya nga pala ate, sa'kin na lang itong laptop ah. Magkakaroon ka rin nito 'pag nakasal na kayo ni Timothy." nakangising sabi ng kapatid saka pumasok sa loob bitbit ang laptop.

Napakunot-noo naman si Yna sa mga nakikita.




"Pa?! Bakit niyo iyan tinanggap?!" inis na saad ni Yna.


Nilingon naman siya ng ama niya. "Bakit hindi? Sayang naman kung hindi natin tatanggapin." nakangiting sagot nito.




Napabuntong-hininga naman si Yna.





"Pumayag na ba akong magpakasal ha?"

"Bakit, hindi pa ba?" takang tanong ng ina niya.

"Di ba sabi ko pag-iisipan ko pa po! Bakit niyo yan tinanggap!" naiinis niyang sabi.

"Ah kasi anak, binigay nila eh. Hinatid pa nila dito yan lahat." sagot ng ina niya.

"Saka anak, masamang tanggihan ang grasya. Di ka ba masaya? Yayaman na tayo! Tingnan mo, may oven pa, tapos may dvd oh , makakapanood na tayo ng mga movie—"

"Pa! Tama na po! Basta-basta na lang kayo nagdedesisyon. Akala niyo madali lang magpakasal sa taong di mo mahal? Palibhasa hindi nyo naman ito naranasan." naiiyak niyang saad at natigilan naman ang kaniyang ina at ama. "Pera lang ang importante sa inyo, paano naman yung nararamdaman ko? Naisip nyo ba yun ha?" dagdag niya at agad siyang pumasok sa kwarto niya at nagkulong doon.


Ilang minuto pa ay naramdaman niyang pumasok ang mga ito sa silid niya habang nakaupo siya sa gilid ng kama niya at umiiyak.





"Yna, anak, sorry na. Patawarin mo kami ng Papa mo. Aaminin namin na nasilaw kami sa pera kasi naman diba heto na yung pagkakataon nating makabayad sa utang." paliwanang ng nanay niya at tinabihan nila ito.

"Oo nga anak. Pero kung talagang ayaw mo. Sige, sasabihin namin sa mga Carbonel na hindi ka na magpapakasal. Ibabalik na rin namin yung mga binigay nila sa atin." sabi naman ng Papa niya at pinunasan nito ang mga luha ni Yna.

UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon