UNEXPECTED LOVE — Chapter 9
Yna's POV
"Oy taba! Bumangon ka na diyan. Nasa sala si Prince.."
Pupungas-pungas kong idinilat ang mga mata ko. Kanina pa ako niyuyugyog ni Dexter. Inaantok pa ako kaya hindi ko na lang inintindi yung sinasabi niya.
"Oy! Gising na sabi eh! Nandito nga sa bahay si Timothy, tapos kasama niya pa yung sikat na fashion designer.."
"Pwede ba Dexter, hindi uubra sa akin 'yang panloloko mo. Lumabas ka nga, inaantok pa ko eh!" bulalas ko pero nakapikit pa rin ako habang yakap-yakap ang malaki kong unan.
"Baliw! Hindi ako nanloloko. Nasa sala nga siya. Bahala ka sa buhay mo. Papapasukin ko siya dito para siya nang gumising sa iyo, tingnan ko lang kung hindi siya mandiri diyan sa itsura mo. May laway ka pa sa pisngi! Kadiri ka taba!" pang-aasar na naman nitong busangot kong kapatid.
"Leche naman oh! Inaantok pa nga ang tao!" wala akong nagawa kundi bumangon kahit gusto ko pang matulog. Hindi ko pa maidilat ng mabuti ang mga mata ko dahil kusa itong pumipikit. Inaantok pa nga kasi ako. Tss. " Lagot ka lang sa akin 'pag nagsisinungaling ka aa!" baling ko sa kapatid ko at dumiretso agad ako sa pinto palabas.
Bigla na lang akong hinawakan ni Dexter sa braso at pinipigilang lumabas. Problema nito?? Ayaw naman akong palabasin.. >o<
"Lalabas ka ng ganiyan? Mahiya ka nga kay Timothy, taba!" oo na! Alam kong mukha akong ginahasa sa itsura ko ngayon pero wala naman akong pakialam eh. Sanay naman ang mga tao sa bahay sa pagmumukha ko. Lols.
"Ikaw! puro ka Timothy eh! Tabi diyan." tinulak ko siya dahil nakaharang siya sa pintuan.
Pero isa yatang pagkakamali ang ginawa ko. =___________________=
Grabe, nakakahiya! -__-
Akala ko naman kasi pinaglololoko lang ako nitong si Dexter pero totoo nga, nasa sala siya. Sila Mama at Papa di magkandaugaga sa pag-aasikaso sa kaniya. Akala mo anak ng presidente ng bansa eh! Tss.
" =______________= " → Timothy
" o________________O " → Mama
" ×________________× " → Papa
" ^__________________~ " → iyong fashion designer
Sobra namang reaksiyon yan! Ganiyan talaga ang reaction nila pagkalabas ko ng kwarto ko. Ganoon ba kasama ang pagmumukha ko ngayon??? -__-
Nilapitan agad ako ni Mama. "Anak, maghilamos ka nga muna, nakakahiya kay Timothy." bulong niya sa akin
Napakunot-noo ako. Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit nasa pamamahay namin ang mokong na ito.
"Bakit ba iyan nandidito sa bahay natin, Ma?" inis kong tanong.
"Ayt, wag nang maraming tanong. Ayusin mo muna yang sarili mo." hinila na ako papasok ni Mama sa kwarto ko.
Pumasok agad ako sa banyo at halos mapasigaw na ako sa harap ng salamin. Lumabas talaga ako na ganito ang itsura ko? Kaya naman pala ganoon na lang ang reaksiyon nila. Nakakahiya talaga. >_<

BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE
RomanceThis series focuses on the lives of Prince Timothy Carbonel and his new bride, Precious Yna Lamahan. Please Read >>>> ^_^