Chapter 2

18 0 0
                                    

UNEXPECTED LOVE — Chapter 2



ABALA ako sa panonood ng telebisyon pagkarating ko sa bahay galing school. Naiimbyerna ako sa tuwing commercial ni Prince ang nakikita ko sa tv dahil naaalala ko 'yung nangyari kanina. Puro kamalasan kasi ang nangyari sa akin at nakakastress! Biglang nagring ang telepono namin.

"Ma, Pa, may tumatawag!" sabi ko sa kanila habang nakapokus pa rin ang mata ko sa telebisyon. Nasa kusina sila Mama at Papa. Magkatabi lang naman ang kusina at sala namin kaya tanaw ko rin sila. Maliit lang kasi ang bahay namin. *—*

"Pakisagot na lang, anak." utos ni Papa at tumalima naman ako. Kinuha ko ang telepono at sinagot.

"Hello po," sabi ko sa tumawag.

"Good Evening. Ito ba ang telephone number ng bahay ni Mr. Toni Lamahan?" tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"Ah opo. Tatay ko po iyon." sagot ko naman at 'sing bilis ng kidlat na lumingon sa akin sila Mama at Papa.

"Lalaki ba 'yan anak?" pabulong na tanong sa akin ni Papa at nag-nod lang ako. "Sino daw? Si Mr. Reyes ba 'yan? Maniningil ba siya ng utang? Kung siya iyan, sabihin mo wala ako dito ha.." pabulong ulit na sabi ni Papa. Tsk. Heto na naman kami, umiiwas na naman si Papa sa mga inutangan niya. Sa tuwing may tatawag ako lagi ang pinapasagot nila o di kaya si Dexter. Pag may maghahanap naman kay Papa sinasabi naming wala kahit hindi naman totoo. Hindi ko naman kayang ipahamak ang tatay ko noh. >_<

"Sino po pala ito? Wala pa po kaming pambayad.." sagot ko na lang at sila Papa naman ay halos humaba na ang leeg sa kakalingon sa akin at nag-aabang ng isasagot ng kausap ko.

"Hindi po ako naniningil ng utang, Miss. Tungkol po ito sa tatay ni Mr. Lamahan." mahinahong sagot ng lalaki sa telepono.

"Po? Tungkol sa lolo ko?" takang tanong ko. Matagal nang patay ang lolo ko kaya nakapagtatakang tinawagan nila si Papa dahil kay lolo? o_______O

Bigla namang inagaw ni Papa ang telepono sa akin at siya nang kumausap dun sa lalaki.


Tingnan mo 'to kanina lang gustong ako ang sumagot tapos ngayon aagawin lang din sa akin ang telepono. Hayy. Umalis na ako dun at naupo na sa sofa. Ipinagpatuloy ko na lang ang panonood kasama ang busangot kong kapatid.

"Ano pong kailangan nila?" narinig kong tanong ni Papa sa kausap.

"Po? Totoo po ba iyan?" sabi na naman ni Papa.

Ano kayang pinag-uusapan nila? Naiintriga talaga ako.

"Hoy taba! Ilipat mo nga sa kabilang channel. May interview doon si Prince Timothy." sabi nang kapatid ko.

"Ayaw ko! Interview lang pala eh." sagot ko naman at binelatan ko pa siya.

"Idol ko kaya iyon! Akin na nga yang remote!" asar na sabi nito sa akin at pinag-aagawan na namin ang remote dahil ayaw ko talagang bitawan.

"Sabing wag eh!" - ako

"Akin na taba!" - Dexter

"Ang kulit mo ha!" sigaw ko naman.

"Marriage Agreement???!!!!!" biglang sigaw ni Papa habang kausap pa rin iyong lalaki sa telepono. Natigilan naman kami ni Dexter sa agawan remote portion naming dalawa at sabay na napalingon kay Papa.



Teka! Ano nga yung isinigaw ni Papa?

Ah! Marriage Agreement! Sinong ikakasal? Baka iniinvite kami. Wooah. ^_^

UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon