UNEXPECTED LOVE - Chapter 6
HINDI ko maintindihan kung bakit pagdating na pagdating ko pa lang sa school ay pinagtitinginan na ako ng mga estudyante. Take note.. di lang basta tingin, ang sasama ng tingin nila. Tsk! Hindi pa ba sila nakakamove-on noong isang araw?
>____________<
Ano bang problema nila sa akin? Bakit ganiyan sila makatingin?
o________________O
Hindi ko na lang sila pinansin at nilalagpasan ko lang sila.
"I can't believe it! Siya? Hindi siya bagay kay Prince!"
Narinig kong sabi nung isang nadaanan ko sa may hagdan.
Wait ha! Hindi ko naman sinabing bagay ako kay Prince noh! Ano bang problema nila? -___-
Nang nasa 2nd floor na ako, ganoon pa rin ang eksena. Titig na titig sila sa akin. If stares can kill — baka patay na ako dito at pinaglalamayan na.
Baka naman lalo akong gumanda? Kaya ganyan sila makatingin, haha. XD
Pagdating ko sa room ay bumati muna ako sa bruha naming teacher. Ready na akong mapagalitan dahil alam kong late na ako.
"Good morni—"
"Ms. Lamahan!!!!!! You're late again!!!!!"
Yeah I know I'm late Ma'am, pero kailangan talagang isigaw?! sarap sabihin kay Ma'am eh.
"Sorry Ma'am. Tanghali na po ako nagising eh. Wag na po kayong magalit. Tingnan niyo po oh dumadami na ang wrinkles niyo, tapos parang tumatanda kayo lalo. Naku Ma'am, nakakatanda po pag laging galit. Tsk, sayang po ang ganda niyo kung —"
"GET OUT!!!!!!!" galit na galit na sabi ni Ma'am.
"Sure, Ma'am." nakangiti kong sagot.
Ayaw ko rin naman pumasok sa boring niyang klase! >_<
"Aba't sumasagot ka pa ha future Mrs. Carbonel!!!!" sigaw ng teacher ko at grabe ang tingin ng mga classmates ko sa akin. Nakashabu ba sila?
Pero teka lang, future Mrs. Carbonel???
O_____________o
Alam na ba nila? Paano? How? Tsk. Inenglish ko langs.... =_____=
Bigla naman akong hinatak palabas nila Tricia.
"Ma'am sorry po. Problemado po kasi itong friend namin eh. You know na po," nakangising sabi ni Lira habang hinahatak nila ako palabas.
"Ilayo niyo iyan dito! Nakakabad vibes!"
WOW ha! Ako pang nakakabad-vibes ngayon? >_____<
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE
RomanceThis series focuses on the lives of Prince Timothy Carbonel and his new bride, Precious Yna Lamahan. Please Read >>>> ^_^