Off Limits
Nagkagusto ka na ba sa isang taong taken na? Nagkagusto ko nga ba talaga dahil talagang iyon ang nararamdaman mo or dahil lang nadala ka sa panunukso ng mga katrabaho mo?
N was just my senior at work. Simula noong malipat siya sa morning shift, well di naman talaga kami close e. I don't know how it started pero siya yung naunang mang asar asar sa akin. Wala naman akong ginagawa pero bigla na lang niya ako b-bwisitin. Syempre ako, may pagkapatola rin, gaganti at gaganti.
Hanggang sa dumalas ang pagbabangayan namin. Tinutukso tukso na kami ng mga katrabaho namin. Hanggang sa isang araw, matapos ang isang mainit na bangayan na nauwi sa di pagpansinan. I saw myself cooking pancake para gawing peace offering para sa kanya.
Naging close kami pero di pa rin mawala ang asaran. But alam ko mali yung magkaroon ako ng nararamdaman sa kanya. Hindi pwede dahil ayokong makasira ng relasyon ng dahil lamang sa akin. Pero mahirap layuan ang isang taong lagi mong nakikita, nakakasama.
Sa bawat araw na lumilipas, napapansin kong may pagbabago sa pakikitungo namin sa isa't isa. Nafe feel ko yung care niya sa akin. Nung bumalik siya sa pang gabi, every morning nagdadala ako ng breakfast para sa aming dalawa since ako naman ang kapalitan niya. Kahit alam kong hindi niya masusuklian yung nararamdaman ko, the happiness I see everytime na may dala ako para sa kanya was so priceless. I really felt appreciated.
Then the day came when I decided to confess what I really feel about him. He was shocked. He never expected it. I told him, I know where I stand. Wala akong intensyong sirain ang relasyong meron siya. Siya na ata yung taong pwede kong sabihin na, "pinagtagpo pero di tinadhana". Hindi kasi ako ang nauna.
Pero masaya ako dahil nakilala ko ang isang katulad niya. Matapos kong umamin, hindi niya ako nilayuan. Lumabas pa kami para kumain. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Nakilala ko siya ng lubos. Kapag magkasama kami, we never talked about his girl because he knows masasaktan ako. Hindi siya insensitive. It's not like he's cheating or what. We were just friends. Alam ko na yun.
And before we parted ways, we exchanged letters. Sobra akong natouched sa liham niya. And I know, that was it.
Dear N,
I am so thankful for telling me that i am an amazing person. Thankful din ako because mas pinili mong gawin yung tama. I wished you happiness at nakikita ko naman iyon. Thanks for making me special. Until we meet again. Take care always. :)
D
*****
Twttr: darabrnrd19

BINABASA MO ANG
Her Midnight Thoughts
RandomTuwing sasapit ang hating gabi, maraming palaisipan ang bumabaha sa kanyang utak. Makakamtan niya kaya ang mga kasagutan?