4

15 0 0
                                        

Agony

I cried again tonight. Mababaw lang naman ang reason. Mababaw ba yung reason na napagalitan because hinatid ko ang isang kaibigan sa sakayan pauwi? Gabi na iyon at pareho pa kaming babae ng pinsan ko. Pag uwi ko, I was almost got hit by my mom. Muli binalot ako ng takot, hindi niya ako basta basta sinasaktan kung hindi mabigat ang kasalanan ko.

As my tears started bursting, tila bumalik ako sa nakaraan. Feeling ko, wala na akong ginawang tama. Am I a pain in the ass. Tonight, I felt so alone. Kapag nawala ako, will they look for me? Yeah, ang drama ko. But why am I crying hard like this? Bakit yung pinsan ko, parang wala lang. Sa katunayan, ako lang yung napilitang sumama pero bakit sa akin mas nagalit?

I cried more, ang mga kamay ko ay basang basa na ng pinaghalong luha at uhog. Pero wala akong pakialam, I just cried silently, kahit hirap na akong huminga, pilit ko pa ring tinatago ang mga hikbing nais kumawala.

Hindi ko alam bakit ako umiiyak ng ganito? I was almost got hit by her nung minsang umuwi rin ako ng gabing gabi pero bakit ngayon, tila labis labis na hinagpis ang aking nadarama? Di naman ako nasaktan physically pero bakit sobra ang nararamdaman kong sakit?

I remembered all my childhood memories. Tila gusto ko bumalik sa mga panahong iyon. I miss Dad. I miss him so much. Muli, bumuhos na naman ang aking mga luha. Paano ba mawawala itong sakit na nararamdaman ko? Paano mababawasan ang lungkot? Paano muling maramdaman ang saya? Nais ko nang tumigil sa pag iyak ngunit ayaw magpapigil ng aking mata. Mukhang matatagalan bago maubos ang aking mga luha.

Kapag ba pinikit ko ang aking mga mata, magigising pa ba ako? Sa ngayon, parang ayoko nang muling magising pa. Dahil alam ko pagkagising ko, nasasaktan pa rin ako. Ano ba ang iniiyakan ko? Yung issue pa rin ba na napagalitan ako o dahil pa rin sa pakiramdam na mag isa lang ako?

Do I still belong here? Should I leave this place? Should I die?

Her Midnight ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon