TPGUL-Chapter XVII

439 74 21
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

 

"Krisha? Dito muna ako tutuloy ah?" Sabi ko kay Krisha noong nahimasmasan na ako at wala na ring luhang kaya pang ilabas pa ng mga mata ko.

"Oo naman, anytime. Tska wala rin naman sina mama e, pero paano sila tita?"

 

"Ipaalam mo naman ako. Please?"

"Sure thing!" Sabi niya sabay kuha ng phone niya sa bulsa niya. Hindi kasi siya nahihindihan ni papa e, at saka kaya naman niyang gumawa ng dahilan para sa akin.

"Ako din di--" Hindi naituloy ni Trixie iyong sasabihin niya noong bigalang itinapat ni Krisha iyong hintuturo niya sa mga labi niya.

"Ssssssssh. Hello tita?"

 

"Ah, Ok lang po ako. Kayo po?"

 

"Ah--eh, ipapaalam ko lang po sana si Anie na magi-sleep over po dito sa bahay. Pwede po ba?"

"Yey! Thank you po tita. Sige po babye."

 

Then lumapit na siya sa amin na tinataas-taas pa niya iyong mga kilay niya. "Success!" Sigaw niya tapos binalingan niya si Trixie. "Ano pala iyong sinasabi mo?"

"Sabi ko ako din dito na ako." Sabi naman ni Trixie sabay irap kunwari kay Krisha.

"Ayoko nga."--Krisha

"Ano?"--Trixie

"Wala! Nakakatakot naman e, para kang mangangain ng tao." Then nag-act siya na kunwari natatakot. Hay! For I know ginagawa lang nila iyan para mapangiti ako. Buti na lang talaga sila ang mga kaibigan ko.

"Bitter!"--Trixie

"Ako? *points at herself* Hindi noh!" Protesta naman ni Krisha.

"Ano na pa lang desisyon mo?" Biglang baling sa akin ni Trixie na para bang hindi niya narinig si Krisha.

Ano nga ba?

Nagshrug na lang ako. Hindi ko kasi talaga alam. Ang alam ko lang, sinaktan ako ng nag-iisang lalaking minahal ko.

Kung bakit ba naman kasi siya pa?

Maghapon lang kaming nasa luob ng kwarto habang namomovie marathon. Ayaw nga nilang manood ng love story e kaya puro adventure at action ang pinanood namin. Tapos noong sawa na kami kakanuod napagdesisyunan naming maglaro na lang ng scrabble.

"Oh turn mo na." Sabay kalabit ni Trixie kay Krisha na busy sa pagbalibaliktad ng tiles niya.

The Play Girl's Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon