TPGUL- Chapter XXII

350 50 13
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

 

PERSEFFANIE's POV

Kasalukuyan kaming nanonood nang biglang sabay na napatili si Trixie at Krisha noong biglang kumulog ng napakalakas tapos kasunod noon ang malakas na pagbagsak ng ulan.

"Shocks! Bakit umuulan?" --Trixie

"Bakit mo kami tinatanong? Alam ba namin?" Pambabasag na namang sagot ni Krisha kay Trixie na siyang dahilan ng muling paghampas nito sa kanya.

"Tapos na akong mag-emote, late reaction naman ang kalangitan para damayan ako." Biro ko.

Hapon na nung tumila ang ulan. Si Krisha at Trixie naman nagpapataasan ng score sa paglalaro ng flappy fish. Ayaw ko namang sumali kasi nakakapikon iyong larong iyon kaya nagpunta na lang ako sa veranda at minasdan ang makulimlim na kalangitan kasama ng mga nakakaaliw na nagliliparang tutubi.

Hindi ko maiwasang isipin ang lahat. Dati aliw na aliw ako sa paglalaro at pananakit ng mga lalaking walang kamalay-malay. Hanggang sa makilala ko si Wren at nagbago ako. Naging masaya ako na kahit sa panaginip hindi ko inakalang sasaktan ako ni Wren pero heto ako ngayon, umiiyak ng dahil sa kanya. Parang kailan lang noong tinangka ko siyang saktan at ngayon ako na ang umiiyak, ako na ang nasasaktan.

Napahinto ako sa pag-iisip at napalingon sa gate noong may narinig akong pagparada ng motor mula sa direksyon nito. Hindi ko pa man nakikita ang mukha nang lalaki dahil sa suot niyang helmet ay may idea na ako kung sino iyon kaya naman biglang sumama ang pakiramdam ko at bumigat ang mga mata ko na para bang ano mang mga oras ay papatak na naman ang mga luha ko.

Pagkatanggal niya ng suot niyang helmet nagkataon pang napatingin siya sa kinaroroonan ko kaya naman nagtama ang mga mata namin ngunit binawi ko rin agad ang tingin ko at minasdan ang mga tutubi na para bang hindi ko siya nakita. Sinusubukan kong tumingala na kunwari ay tinitignan ko lang ang mga ulap pero ang totoo ay sinusubukan kong pigilan ang pagpatak ng luha ko.

"Anie sorry, pakinggan mo naman ako please?" bigla niyang sigaw pero gaya ng dati umakto ako na para bang wala akong naririnig at hinayaan ko siyang sumigaw ng sumigaw sa harap ng gate.

"Mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Please forgive me."

 

Susumbatan ko sana siya pero paglingon ko, nakita ko siyang nakaluhod sa harap ng gate at may hawak na kumpol ng mga rosas habang tuloy pa rin siya sa pagsigaw.Napapatingin na din sa kanya iyong mga taong dumadaan pero parang wala siyang pakialam.

Gustong gusto ko nang bumaba at yakapin siya at sabihing oo napatawad na kita pero para bang nauunahan na naman ako ng takot.

KRISHA's POV

Naghahampasan kami ng unan ni Trixie dahil ayaw niyang magpatalo sa flappy fish noong bigla kaming nakarinig ng sigaw na nagmula sa labas ng bahay at dahil nakakamatay ang kuryusidad, pumunta kami sa veranda kung saan nakatayo si Anie para tingnan kung sino iyong sumisigaw and to our surprise-----si Wren pala. Para na siyang kawawa na pinagtitinginan ng mga tao pero wala siyang pakialam. Na kahit pa ilan sa mga dumadaan na nakakakita sa kanya ay kilala kung sino siya.

The Play Girl's Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon