TPGUL- Chapter XXI

358 57 14
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

WREN's POV

Nandito kami ngayon sa clinic dahil pinapunta kami dito ng boared of director namin. Napaaway kasi ako dahil sa nakita ko. Nasaktan ko din ata si Anie dahil sa galit ko. Basta ang alam ko, nagselos ako kaya naman hindi ko napigilang sugurin ang lalaking iyon noong makita kong halikan niya sa noo si Anie.

Does he even have the right? It should be me doing that. JUST ME!

Habang ginagamot ng school nurse namin itong sugat ko sa kanang pisngi nakatitig lang ako kay Anie na hawak iyong ice pack na nakatapat sa pasa ko sa labi. Hinihintay na tignan niya din ako pero sa tuwing nagtatama ang mga tingin namin nag-iiba siya ng tingin.

"Sorry." Bulong ko pero mas lalo akong nasaktan nung nakita kong pumatak ang ilang mga luha niya. Sobra ko pala siyang nasaktan dahil sa konting bigkas ko lang ng mga salita nasasaktan siya. Inilayo ko sandali sa nurse iyong kamay ko na kasalukuyan niyang ginagamot at handa ko na sanang punasan ang mga luha niya ngunit bigla na lang niyang inilayo iyong ice pack at inilapag sa mesa sa tabi ng kama at patakbong lumabas.

"Lalanghap lang po ako ng sariwang hangin."

 

Napailing na lang ako. Alam ko namang ginawa lang niya iyon para iwasan ako.

"Ok ka lang?" tanong sa akin nung nurse kaya ngumiti na lang ako. Mula noong nalaman ni Anie iyong plano ko noon, hindi na ako naging ok. Sana sinabi ko na lang pero naunahan ako ng takot. Natakot ako na baka magalit siya sa akin dahil doon. Ngayon nalaman pa niya sa iba, mas lalo tuloy siyang nasasaktan. Kung sana hinayaan ko na lang na ako ang lubos na nasaktan noon siguro hindi siya umiiyak ngayon ng dahil sa akin.

"Ang lalim ng iniiisip mo, ayan tapos na." Sabi noong nurse then naglakad na siya papuntang pinto at sumilip sa labas. "Miss Anie?"

 

"Po?" Rinig kong sagot niya.

"Ok ka na ba? Nagamot ko na kasi si---" Huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa akin na para bang nagtatanong kung anong pangalan ko.

"Wren po."

 

"Wren." Tuloy niyang sabi kay Anie.

"Sige po." Noong marinig ko iyong mga yabag niya tutok na ako sa pinto sa pagbabakasakaling kapag lumingon siya sa akin ay magtatama ang mga mata namin at hindi nga ako nagkamali, sa akin siya unang tumingin pagpasok niya. Ilang sandali lang ay nagbawi din siya ng tingin.

"Pwede na po ba kaming umalis?" tanong niya.

"Nagmamadali ka ata?" Biro nung nurse namin sabay tawa. "Sige, pero maaari bang dumito muna kayo sandali? Pinapatawag kasi ako ng board of director e, walang maiiwan dito. Hindi naman pwedeng i-lock kaya kung pwede, kahit hanggang pagbalik ko lang."

The Play Girl's Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon