TPGUL-Chapter XXVI

213 19 9
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

Hapon na nang umuwi sina mom, dad at papa. Hinintay pa kasi nila kaming makauwi since umalis kami para bumili ng mga importante at kakailanganin ni Keith gaya ng gatas, tooth brush, maliit na twalya, lahat ng pwede niyang magamit at syempre galing iyon sa pera namin ni Wren.

Kaming tatlo na lang ngayon. Natutuwa ako na nininerbyos kasi kanina sila mom ang nakikipaglaro kay Keith, sila ang nagaasikaso sa kanya, nakikitawa at nakikipagbiruan lang kami pero kahit hindi kami masyadong lumalapit sa kanya kanina wala namang sign na hindi niya kami gusto ni Wren.

Nakatulog siya ngayon sa kama ni Wren at binabantayan ko siya habang si Wren naman nagluluto ng panghapunan. Hinahaplos at nilalaro ko lang iyong buhok niya na mahaba tapos kapag gumagalaw siya tintapik ko siya sa legs tapos naghuhum ako.

"Kakain na tayo gisingin mo na siya." Pasilip na sabi ni Wren sa may pinto.

"Baka umiyak." sabi ko then pagbaling ko pabalik kay Wren, para lang naman niyang sinasabing marunong ka ba talagang mag-alaga ng bata? Tapos sinara na niya ulit iyong pinto. Ano kaya iyon? Makamood swings parang babae.

Nang ibalik ko na iyong tingin ko kay Keith, nagpalipas muna ako ng ilang minuto saka ko siya mahinang tinatapik sa braso.

"Baby gising ka na kakain pa tayo. Keith?" makailang beses ko din siyang tinawag sa pangalan niya hanggang sa dahan-dahang nag-oopen iyong mata niyang may mahahabang lashes.

"Kain na tayo halika na." sabi ko then binuhat ko na siya palabas ng kwarto then diretsong pumunta sa kusina kung saan nadatnan kong inilalapag ni Wren iyong bowl ng ulam.

"Kain na tayo." sabi ni Wren then umupo na siya tapos pinaupo ko na din si Keith sa upuan pero natawa na lang ako nang makita kong iyong noo na lang niya ang nakikita sa sobrang taas ng mesa. Bubuhatin ko na sana uli siya nang binuhat na siya ni Wren tapos pinaupo niya sa lap niya. "Si mama hindi marunong ano?"

Aw! Mama daw, sounds weird for my age but its pleasant to the ear though.

"Mama?" Ulit ni Keith.

"Oo, kami muna ang mama at papa mo ngayon. Ayaw mo ba?"

"Gushto ko po."

"Kain na tayo." Then nilagyan ko na ng kanin at ulam iyong pinggan ni Wren. Baka hindi kasi niya kaya since hawak niya si Keith sa kabilang kamay habang nakaupo siya sa lap niya.

Nakakagaan lang ng pakiramdam kasi ngayon ko lang talaga nakitang maingay si Wren at pati na rin itong condo niya. Dito nangyari lahat; iyong mga masasama at mahihirap na parte ng buhay ni Wren at sa relasyon namin pero parang sa isang iglap lang maiiba at mabuburang lahat ng ala-alang iyon ng dahil kay Keith. Si Keith na nagbibigay kulay ngayon sa lugar na ito.

"Diyan na iyong airplane aaaaaah?" Natatawa na lang ako sa kanila kasi ginagawang eroplano ni Wren iyong kutsara na may laman tapos saka niya isusubo kay Keith na tuwang-tuwa namang sinasabi ang napakahabang: "aaaaaaaaaaaaah" sabay subo ng pagkain.

"Tignan mo si mama oh, naiinggit. Heto na din mama oh, parating na iyong airplane aaaah." sabi uli ni Wren pero sa akin naman niya isusubo ngayon iyong pagkain sa kutsara nila. Hindi ko sana itotolerate kaso si Keith naman kasi pumaplakpak pa sa tuwa.

Ganoon lang kami hanggang sa tapos na kaming kumain at si Wren ang naghugas ng pinggan habang ako naman nagtimpla ng gatas na iinumin ni Keith bago matulog.

The Play Girl's Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon