TPGUL-Chapter XXIII

367 51 13
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

Agad akong bumaba nang kama at nagsimulang maghalungkat sa bawat sulok ng kwarto ni Krisha para maghanap ng payong pero dahil wala akong makita na kahit na isa man lang sana napagdesisyonan kong gisingin na lang siya.

"Krisha?" Tawag ko sa kanya pero hindi siya umiimik kaya naman niyuyog ko na siya. "Krisha wake please? I need your help."

"Oh?" sabi niya sabay hikab pa. Tapos pikit matang nakaupo sa kama.

"I need an umbrella. Now!"

 

"Huh?" then minulat niya iyong mata niya na medyo teary pa mula sa paghikab. "Aanhin mo iyon?"

"You ask too much. Sabihin mo na lang kung nasaan." sabi ko sabay stomp ng paa ko na dahilan kung bakit nagising si Trixie.

"Ano ba yan?"-Trixie

"Sa likod ng pinto ko." sagot naman ni Krisha na parang hindi narinig si Trixie habang tinuturo niya iyong pinto ng dress room niya.

Dali-dali naman akong pumunta sa likod ng pinto at pagkakuha ko ng payong tumakbo na ako palabas ng kwarto. Narinig ko din na tinawag ako noong dalawa at nagtatanong kung saan ako pupunta pero hindi ko na lang pinansin at dumiretso na ako sa labas ng bahay.

Paglabas ko ng gate, hindi ko alam kung napansin niya ako o hindi dahil nakayuko siya kaya paglapit ko itinapat ko agad sa kanya iyong dala kong payong pero noong nakita kong basang basa na talaga siya narealize ko na wala na rin palang sense yung payong.

"Gusto mo bang mamatay sa gutom at lamig?"

 

Nagulat na lang ako at napabitaw sa hawak kong payong noong pagtayo niya ay kinabig niya ako at mahigpit na niyakap. Yakap na nagsasabing mahal na mahal talaga niya ako.

WREN's POV

Napaangat ako ng tingin noong mapansin kong wala ng butil ng ulan na dumadampi sa katawan ko pero naririnig ko pa rin ang pagpatak ng ulan at ganoon na lang ang gulat ko nang sumambulat sa harap ko si Anie na pinapayungan ako.

"Gusto mo bang mamatay sa gutom at lamig?"

 

Kahit na hindi maganda ang pagkakasabi niya ng mga katagang iyon, natuwa pa rin ako dahil na sa harap ko siya ngayon kaya naman hindi ko napigilan ang bugso ng damdamin ko kaya kahit hirap akong tumayo dahil sa matagal kong pagkakaluhod nagawa ko pa rin siyang kabigin at mahigpit na niyakap. Nabitawan niya iyong payong sa ginawa ko pero kahit yakap ko siya, hindi niya ako ginantihan ng yakap bagkus nakatayo lang siya. Pareho kaming nauulanan.

"I'm sorry, sana mapatawad mo ako. Mahal na ma---" Nagulat ako at hindi ko nagawang ituloy iyong sasabihin ko noong bigla niya akong itulak papalayo sa kanya.

The Play Girl's Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon