TPGUL- Chapter XXIV

307 36 12
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

Noong nag-umaga, naramdaman ko iyong pamilyar na mga braso na nakayakap sa akin. Iyong init na ibinibigay niya na para bang nagsisilbing gamot sa bawat sugat na natamo ko sa naging hindi namin pagkakaunawaan. Unti-unti parang naghihilom na ng tuluyan lahat.

Panandalian akong pumikit para alalahanin iyong mga nangyari kagabi. Parang hindi ako makapaniwala na nagawa ko din siyang patawarin at hindi ako naunahan ng takot ko. Aaminin ko, nasaktan ako noong sinabi niya sa akin lahat. Kung paano niya plinano ang saktan ako hanggang sa mga panahon na nahulog na siya sa akin at hindi na niya kayang ituloy pa ang mga napagplanuhan niya. Oo masakit na minsan pala tinangka niya akong saktan pero hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ngayon ay mahal namin ang isat- isa.

Noong maramdaman ko ang malalim niyang paghinga sa ulo ko, pumihit na ako para yakapin siya pabalik pero mukhang nagising ko ata siya dahil pagtingala ko nakatingin na siya sa akin.

"Morning"--siya

"Morning"

 

Magsasalita pa sana ako noong may biglang sumigaw mula sa labas sabay kalampag pa ng pinto.

"LOOOOOVE BIIIIIRDS?"

 

"Maayos ka na?" Tanong ko na inignore si Krisha. Then tumango siya at hinalikan ako sa noo saka siya tumayo sa kama at dumiretso sa pinto.

"Ang bilis naman?" Sabi ko sabay lapit sa kanya at hawak sa knob para pigilan siyang buksan ito saka ko tinapat iyong likod ng palm ko sa noo niya. "May sinat ka pa naman eh." bulong ko para di kami marinig ni Krisha na hindi ko alam kung na sa labas pa ba o umalis na.

"Ok na ako." Bulong din niya sabay yuko para magkalapit iyong mga mukha namin kaya naman muntik akong natumba sa ginawa kong pag-step back pero mabuti na lang at nahawakan niya ako sa waist. Matagal din kaming nagtitigan then he smiled and slowly bends down towards me. Pumikit na lang ako as I felt his nose touch mine and eventually touch my lips.

Noong nagkalayo na kami, kinuha ko iyong isang unan at kumot then binato ko sa sofa at sinabi ko kay Wren na magpanggap muna kami na hindi pa kami maayos saka ko binuksan iyong pinto.

"He---" bigla siyang tumigil sa sasabihin niya noong nakita niya iyong sofa. "Hindi pa rin ba kayo ok?" tanong niya sabay baling kay Wren na umiling naman na para bang talagang broken hearted pa rin siya. Galing maka-acting eh. Alam na, pangbest actor ang lolo niyo.

"Si Trixie?" pag-iiba ko ng usapan saka sana ako magwawalk out pero hinawakan niya ako sa kamay.

"Gosh Anie, for Petes sake magkasama kayo magdamag tapos hindi pa rin kayo ok?" sabi niya na para bang naiinis na kaya naman niyakap ko na siya habang tumatawa, si Wren naman ang luwang ng ngiti.

"Thanks bestfriend. Kayong dalawa ni Trixie, thanks. Ok na kami." Then bigla na lang niya akong tinulak palayo saka hinampas sa braso ng sobrang sakit. AS IN!

The Play Girl's Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon