TPGUL-Chapter XXVII

107 11 8
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN



Nang mga sumunod na araw mas lalo kaming naging close ni Keith. Sobrang ingay niya at siya ang nagsisilbing kulay ng bawat araw namin ni Wren. Hindi na rin siya nahihiyang makipagbiruan sa amin. Sa limang na araw na kasama namin siya sobrang napamahal at napalapit na siya sa amin ni Wren. Katunayan, hindi lang siya sa amin napalapit dahil dalawang magkasunod na araw ding bumisita sina Trixie, Krisha, Troy at Edward dito sa condo. Nakipaglaro sila kay Keith at sobrang natuwa din sila sa kanya. Ganoon din naman si Keith dahil naging curious din siya sa kanila kaya naman lagi ko silang kinukwento sa kanya but not our bad sides ok?



Nasanay na din ako na sa tuwing kakain may susubuan kami ni Wren at sa pagtulog may kasama kaming hihiga sa kama at gigising sa umaga na wala na siya sa tama niyang pwesto. Nasanay na din ako na pagkatapos maligo ni Wren may kasabay siyang lalabas sa banyo na half naked at may tuwalyang nakapaikot sa mga waist nila. Sa madaling salita, nasanay na ako na may Keith sa buhay namin ni Wren. Ngayon natatakot uli ako, natatakot na malapit nang dumating iyong araw na aalis na si Keith.



"Saan si papa mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalaro siya sa sala.



"Kutina po."



"Dito ka muna ha?" sabi ko then nagnod naman siya kaya pumunta na ako sa kusina at nakita ko siyang gumagawa ng chicken salad.



"Wow." sabi ko then lumapit ako sa kanya at tumayo sa tabi niya pero humarap siya sa akin at binaba iyong hawak niyang kutsara na pinanghahalo niya sa salad saka niya ako niyakap sa waist at hinila palapit sa kanya habang ako naman nakahawak sa nape niya.



"Advance Merry Christmas" bati niya then he gave me long kiss.



"Maaaaaaaaa?" Rinig kong tawag sa akin ni Keith kaya naman napabitaw ako kay Wren at lumingon sa kanya na nakatayo habang nakaharang iyong palm niya sa mata niya na may maliit na slit naman kung saan siya sumisilip. Nasipat ko na lang iyong noo ko. Nakalimutan ko, may kasama pala kaming bata. Ninudge ko na lang si Wren. Hindi ko alam kung anong gagawin ko e.



"Tara na baby, ligo na tayo at pupunta na tayo kina lolo at lola." sabi ni Wren then naglakad na siya papunta kay Keith. Sa bahay kasi kami magpapasko kasama si papa. Pagkalapit niya kay Keith, lumingon uli siya and mouthed the word sorry.


-


Pagdating namin sa bahay dinala namin si Keith sa kwarto ko since nakatulog siya sa biyahe. Pagbaba namin naghanap na kami ng tao sa bahay at nahanap namin si mom sa kusina kasama ng mga maids. Gumagawa sila ng mga ihahanda mamayang gabi.



"Hi po tita?" sabi ni Wren tapos si mom naman exaggerated na namang niyakap kami ni Wren.

The Play Girl's Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon