"If you're not gonna stop looking at him any time soon, I swear, you're going to have drool all over your shirt." Napapitlag si Carolina nang sabihin iyon ni Brian sa kanya.
Hindi niya namalayang kanina pa pala niya pinagmamasdan ang nakahubad na katawan ni Levi kasama ang mga kaibigan nitong walang humpay na nagtatrabaho.
Nasa site sila ngayon ng kanyang housing project. At bilang nagbabantay lang naman siya ng paggawa roon, naroon siya malapit sa kinaroroonan ng mga lalaki, naka-tent, hindi naiinitan at ini-enjoy lang niya nang labis ang kanyang view. Lamang at sinira ng kanyang kinakapatid ang kantang mood.
Kanina pagdating niya roon ay kamuntikan na namang uminit ang kanyang ulo nang malaman niyang nagkasakit ang karamihan sa kanilang mga trabahador at pansamantalang hindi makakapasok ang mga ito. Ngunit naging efficient naman si Levi, gaya ng ipinangako nito nang sumama ito sa pagsisimula ng proyektong iyon.
Umiwas siya sa mga nakakalokong tinging iyon ni Brian. Pinunasan niya ang kanyang noon maging ang kanyang leeg dahil kanina pa siya pinagpapawisan at pawang biglang nauhaw. Hindi niya malaman kung dahil ba iyon sa init ng panahon o dahil sa itsurang iyon nila Levi. Uminom siya ng tubig.
Ang akala niya ay lulubayan na siya ni Brian ngunit kung makatingin parin ito ay sadyang nakakaloko parin. Nangingiti ito sa kanya na parang ewan.
"Can you stop? You look weird already."
"Okay, okay. I'm just telling you. Hindi mo kailangang magalit." Natatawang itinaas pa nito ang magkabilang, pawang nagkunwaring hindi na lalaban.
Napailing na lamang siya dito at pagkatapos ay nilampasan ito. Kumuha siya ng ilang boteng tubig at lumapit sa kinaroroonan nila Levi at binigyan ang mga kasama nito ng tig-iisa niyon. Nagpasalamat naman ang mga ito sa kaniya.
Sa huli, kahit na may hesitation ay nilapitan rin niya si Levi at binigyan rin ito ng tubig. Nagpasalamat naman din ang lalaki sa kanya. Ngunit maging siya ay bahagyang nabigla rin, hindi inasahan ang sumunod niyang ginawa sa binata. Bigla niya kasing punasan ang pawis ng lalaki na tumulo mula sa noo niyo. Pawang nagkaroon ng sariling isip ang kanyang kamay at kusang ginawa iyon.
But then she smiled, when she saw how affected he was with what she did. Bigla niyang naalala ganoong-ganoon rin ang istura nito siyam na taon na ang nakakaraan, sa loob ng kanyang hotel suite noon. Lumakas ang kanyang loob at bigla siyang sinaniban ng kanyang kapilyahan.
Nginitian niya ito ng matamis, bagay na alam niyang lalong mas nakaapekto sa lalaki. Nagtaas-baba ang adam's apple nito, tila lalo pang pinagpawisan. Lalo tuloy siyang ginanahang tudyuin ito. Bumalik siya sa puwesto nila ni Brian na kung anu-anong kalokohan ang pumapasok sa kanyang isip. Buti nalang ay abala ang kanyanv kinakapatid sa sarili nitong ginagawa.
"It's really scary when you look like that, you know? Para kasing may hindi ka magandang gagawin." Sabi pa ni Brian sa kanya. Inarapan lamang niya ito, hindi nag-abalang itinaggi ang pagbibintang ng kinakapatid. Bakit? Kung may bahid naman talaga ng katotohanan ang mga bintang nitong iyon.
KASING SAYA ni Carolina ang bawat pamilya na napamahagian niya ngayon ng mga titolo ng lupain na ipinangako niya sa mga ito. Her housing project was a success and it wouldn't be possible if not for the people who was around her and helped her.
Bilang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanya, sisiguraduhin niyang mako-compensate ang lahat ng kanyang mga naging trabahador, at ganoon rinrin si Brian. Naging posible ang kanyang vision na maging puboloso ang bawat kabahayan dahil sa mga eleganteng furniture pieces na mula sa kompanya nito. She really owed him big.
And of course, the Black Suit Bureau, the brethren club that Levi brought to help them when they ran out people to work for the project. Kung hindi dahil sa binata at mga kaibigan nito, marahil ay baka mas napatagal ang paggawa at pagtapos ng buong proyekto. Alam niyang malaki rin ang utang na loob niya rito. Dahil doon, malaking ang ibinawas ng inis niya para rito.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 8: Princess Carolina, The Mischievous One
RomanceNation's Sweet Heart, little did everyone know, she was also someone else's biggest nightmare.