Carolina was relieved when her twin brother, Carson told her that everything was set. Dahil nga ilang araw itong hindi nagpakita sa kanila noong nakaraan, naisip niyang utusan ito na siguraduhin na magiging ligtas ang magiging birthday concert para sa kanilang ina.
Batid niyang masyado nang abala ang kanyang Kuya Hendrick sa tungkulin nito para abalahin pa niya. Sa halip, bilang siya naman ang susunod na matanda sa kanilang magkakapatid ay in-envolve niya si Carson pati narin sina Simon at Shelley para tulungan siya sa gagawing malaking selebrasyon para sa kaarawan ng reyna.
Kahit pa sabihing may mga tao namang maaaring gumawa ng mga iyon para sa kanila, para sa kanya ay iba parin kung tutulong silang magkakapatid upang mapadali ang lahat. At isa pa, iyon na lamang ang maibibigay nilang regalo sa kanilang ina.
Tatalikuran na sana siya ni Carson pagkatapos na pagkatapos nitong i-report sa kanyang ayos na ang lahat nang muli niya itong tawagin. Ito ang itinalaga niya na upang masigurado sa safety ng arena kung saan gaganapin ang naturang birthday concert para sa reyna at ang kanyang kakambal ang itinalaga niya upang tumatayong direktor ng kanilang security group.
"Where are you going?"
"Jeez Carol, give me a break! Maninigarilyo lang ako!" Tila naiiritang sabi ng kanyang kakambal. Tinanguan lamang niya ito at pagkatapos ay umalis narin ang kanyang kakambal.
Napailing siya. Mabuti pa ang bunso nilang kapatid ay mature na kung mag-isip. Samantalang itong kakambal niya, kung umasta ay plyila binatang ngayon lang nakaranas ng laya.
Mayamaya ay dumating naman ang mg-asawang sina Simon at Shelley at sinabing ayos narin ang ang surround system maging ang mga dekorasyon para sa buong arena.
She sighed with relief at the same, she was nerve wrackingly nervous. Natatakot siya dahil ang hindi lang basta isang charity project ang kaniyang ino-organisa ngayon. It was her mother's birthday, the Flademian Queen. Hindi niya alam kung magiging successful iyon.
Hinawakan ni Simon ang kanyang kamay at si Shelley naman ay ipinagsalin siya ng tsaa mula sa pot na kanina pa nakahanda sa kanyang lamesa. Nakangiting ibinigay nito iyon sa kanya.
"I've never seen you so nervous before, Ate." Nakangiting sabi ni Shelley.
"That's because I've been nervous, like ever!" Sabi niya, hindi sinasadyang bahagyang mapataas ang kanyang tinig. Nagkatinginan lang ang dalawa at sabay na natawa sa kanya. Inirapan lamang niya ang mga ito at inubos ang kanyang inumin.
Hindi nagtagal ay bigla siyang napatayo at iniwan ang mag-asawa nang mamataang dumaan sa corridor doon si Levi.
NAKAKUNOT ANG noong sinundan ni Carolina si Levi kung saan man ito tutungo. Nasa Prime Palace sila ngayon at papunta pala ang lalaki sa opisina ng kanyang ama. Pagkalabas nito pagkatapos nitong kausapin ang Prinsipe-konsorto ay agad niya itong hinarang at hinatak patungong aklatan na ilang silid lang malapit roon.
Ang totoo ay hindi na siya natutuwa sa ginagawa nitong pag-iwas sa kanya nitong mga nakaraang araw. Abala lang siya kaya't hindi niya ito makumpronta noon at inisip niyang baka masyado rin lang itong abala kaya ganoon ito umasta.
Pero sobra na ito. Tiyak na niyang talagang iniiwasan siya nito dahil malamig rin ang pagtrato nito sa kanya gayung alam niyang wala naman siyang nagawa dito. Hindi na cute ang ginagawa nito.
"Bakit mo ba 'ko iniiwasan, ha?" Pangku-corner niya kay Levi pagdating nila ng library. Mukhang ikinagulat naman iyon ng binata.
"Because I have nothing to say to you, Your Highness." Malamig na namang nitong tugon ngunit hindi siya nakuntento sa isinagot nitong iyon.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 8: Princess Carolina, The Mischievous One
RomanceNation's Sweet Heart, little did everyone know, she was also someone else's biggest nightmare.