IV

555 13 0
                                    

Naiiling nalang ang ama ni Carolina, bagay na ginagawa lamang nito kapag talagang may nakakapagpa-dismaya rito, habang nakatingin ngayon sa kanyang kapatid na si Carson. Nasa kalagitnaan sila ng umagahang pamilya nang bigla itong dumating matapos nitong hindi magpakita ng ilang araw sa kanila.

Kung saan ito nagtungo, walang nakakaalam pagkat ayaw naman nitong magsabi nang tanungin ito ng kanilang ina. Maging siya ay napapailing narin habang pinagmamasdan ang kanyang kakambal. Parang hindi ito prinsipe kung makaasta. Amoy alak ito bagaman hindi naman lasing at mukhang hindi parin ito naliligo pagkat iyon parin ang suot nito noong umalis.

Ngayon ay hindi tuloy niya maiwasang isipin, paano kung may mga paparazzi shots na naman ito katulad noon? Madalas kasi itong makunan ng larawan talaga namang nakaka-iskandalao noon. At nung minsan pa ay nakunan itong walang saplot sa buong katawan dahil sa labis kalasingan. Dahil doon ay malaking kahihiyan ang kinaharap ng kanilang pamilya.

Kung sa Flademia lang, madali nilang maku-kontrol ang media ngunit ibang usapan na kapag umabot ang balita sa ibang bansa. Tiyak niyang sasakit na naman ang ulo ng kanyang mga magulang.

"Why don't we just plan Ma's birthday instead." Biglang sabi ni Simon nang hindi na natagalan pa ang awkwardness na namayani sa kanilang hapag. Doon lang tinanggal ng kanilang ama ang mapanlisik nitong tingin sa kanyang kakambal.

Laking pasasalamat ni Carolina na doon ngayon sa Prime Palace umuuwi ang kanyang bunsong kapatid at ang pamilya nito. Kung wala siguro ang mga ito roon, marahil ay palaging puno ng tensiyon ang lugar dahil sa laging pagpapasaway ni Carson.

"That's actually a good idea. Pa, why don't we have a birthday concert for Ma? Let's do it in humungous venue. Like an arena, perhaps? So that our people could join us as well." Suhestiyon pa niya na agad sinang-ayunan ng nakababatan kapatid. Doon lang tila gumaan ang ekspresyon ng kanyang ama at mayamaya ay tumango na ito sa kanila.

Maging ang kanyang hipag na naroroon rin ay nagbigay ng kaniyang suhestiyon. Maging ang kanyang ina ay mistulang excited rin, hindi dahil sa kaarawan nito iyon kung hindi dahil magkakaroon na naman ito ng pagkakataong makakasalamuha ang mga mamamayan nila sa Flademia. She knew much the Queen loved their people.

"Is Levi gonna be there as well.. part of the planning?" Hindi niya maiwasang itanong mayamaya.

She took a bite of her food, not really really being confident asking thr question that actually just slipped off of her, it was not her intention to ask that out loud.

"Levi is busy. Madami pa siyang mga naka-pending na gawain na kailangan niyang tapusin bago matapos ang buwan na 'to. Why don't you ask Brian if he could help you? Seems like you two were a great team." Ganoon nalang kung pabulaanan ng kanyang ama ang kanyang pagtatanong na papunta na sa pagsusuhestiyon. Hindi tuloy niya mapigilang mapasimangot. Ganoon pa man, hindi na siya umimik pa.

Pagkatapos nilang mag-agahang mag-anak ay dumiretso siya sa hardin upang doon sana magtsaa at magpahangin sandali. Naging paborito niya iyong lugar sa palasyo habang lumalaki.

Nasalubong niya patungo roon ang kanyang nakatatandang kapatid na si Hendrick kasama ng dating Punong Ministro ng bansa na si Lincoln Clarke, maging ang anak rin nitong si Augustus.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi sila nasaluhan sa agahan kanina ng kanyang kapatid, pagkat sa pagkakaalam niya ay ka-meeting nga nito ang dating ministro. Ang hindi niya alam ay kasama rin pala si meeting iyon si Augutus.

He knew Augustus since once upon a time he tried courting her. Augustus was a perfect guy, if she thought about that. He was a gentleman, came from a perfect background and an achiever like his father. Lamang ay may kung ano tungkol sa binata na ayaw niya, marahil dahil ayaw lang niyang ma-involve sa kung ano mang business ang meron ito.

Flademian Monarchy 8: Princess Carolina, The Mischievous OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon