Nagkukumahog at takbuhin na ni Carolina ang hagdadanan dahil mali-late na naman siya sa event na kanyang dadaluhan. She has to be poised and composed at all times. Kaya nga't madalas, kung umarte siya ay tila mahinahon lang kahit pa sa totoo lang, sa loob niya ay madaling-madali na siya.
She was one of the second children of Queen Liane and The Prince Consort, Wilson. Twin sister of her brother Carson. She was the only princess in her family and literally, the only princess of the whole kingdom of Flademia. Although she had her cousins, she was the only legitimate female descent of King George Transvech.
Ang mga pinsan kasi niya ay anak nina Uncle Gerard and Aunty Cassidy, mga illehitimong anak ng dating hari sa naging nobya nito noong isang amerikanang sundalo.
Kung tutuusin, kung naging lehitimong anak lamang ang kanyang Uncle Gerd, ito sana ang susunod na magiging monarch at hindi ang kanyang ina, bilang ito naman talaga ang panganay na anak ni King George, ang kanyang lolo.
God, the dress she was wearing right now was infuriating! Napakasikip niyon! Inis na inis man ay wala siyang masisisi. Iyon kasi ang tanging damit na kanyang dala na akma para sa kanyang pupuntahan ngayon. Kung hindi lamang importe ang pagtitipon ng kaniyang pamilya ay hindi siya mag-aabalang magsuot ng ganoon.
Engagement party ngayon ng kanyang mga pinsan na sina Dominique, anak ni Aunt Jessica na kapatid ng kanyang ama at ni Maximilian, anak naman ng Uncle Gerard niya na kapatid naman ng kanyang ina.
Kagagaling lang ni Carolina sa Hong Kong pagkat may isang organisasyon siyang pinuntahan roon, organisasyong makakatulong sa kanya sa naiisip niyang proyektong mabigyan ng murang pabahay ang pinaka mahihirap na pamilya sa Flademia.
She never really considered herself as a charitable person before. She actually thought that it was just her job that was why she was doing it. Ngunit hindi rin niya maitatanggi na sa bawat matagumpay na proyektong kaniyang gawin, may kakaibang sayang dulot iyon sa kanya.
Makita lang niya ang mga taong natutulungan niya, lalo na ang mga bata ay kakaibang pride na ang hatid niyon sa kanya. That was the time she realized that she loved what she was doing ang she was passionate about it. As if she was born to do that.
Her phone rang and she asnwered it. Nagmamadali na nga siya ngunit heto ang kanyang ama, kanina pa hindi maawat sa pagtawag sa kanya. May ideya kaya ito kung gaano kahirap para sa kanya na magsuot ng maikip na dress sa loob ng sasakyan habang umaandar iyon pagkat iyon ang ginawa niya kanina.
Dumiretso na agad siya ng biyahe papunta sa Hiltonshaw Manor paglapag na paglapag palang niya mula sa airport galing Hong Kong. Napuga siya at sinagot na nga ang kanyang telepono.
"Nandito na 'ko sa labas Pa." She answered. Kahit pa nga sabihing isa sa pinakamabait na tao ang kanyang ama, istrikto ito sa kanya lalo na't pagdating sa pagiging late sa mga appointment.
Kaya nga't tumanda siyang bibihirang mahuli sa mga nakatakda niyang puntahan. Bata pa lang ay masasabi nadesiplina siya ng husto nito. Kaya tiyak niyang pagsasabihan na naman siya nito. Ganoon ito ka-professional pagdating sa oras. Ayaw na ayaw nito sa mga taong nahuhuli.
Hindi sumagot ang kanyang Papa, bagkos ay tumikhim ito. Doon niya nalaman na hindi pala ang kanyang ama ang kanyang kausap. She wanted roll her eyes. Tiyak niyang ang intrimitidong sekritaryo na naman ng kanyang ama ang tumawag sa kanya. Parang hindi pa sapat ang nakakinis na dress ang kanyang nasuot at talagang ang buwisit na lalaki pang iyon ang tumawag sa kanya ngayon.
Pigil na pigil ang kanyang panggigigil na singhalan ang intrimido. Sa halip na sumagot ay binabaan na lamang niya ito ng telepono. Ayaw niyang mabawasan ang kanyang composure para lang sa isang tulad nito.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 8: Princess Carolina, The Mischievous One
RomanceNation's Sweet Heart, little did everyone know, she was also someone else's biggest nightmare.