[13] Rosas

22 2 0
                                    

Naghihintay lang ang mga bisig ko
Upang yakapin ka at tanggapin ka,
Mamahalin ng buong puso
Sa ngalan ng makatang ulila,
Tinataga kong mamahalin kita ng totoo at higit pa sa sugat na iniwan nila sa iyo
Mahal buksan mo na ang pinto,
Tanggapin mo ang rosas ko
Suotin mo ang totoong korona,
Pangako, tatanda tayong magkasama
Kahit ilang mga tao na ang lumisan,
Hindi ako tulad nila, hinding-hindi kita iiwan

Tabula Rasa #PoetryCompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon