[7] Pagsuko

25 3 0
                                    

Ilang beses kong pilit na ibinalin ang mga salitang dumadagundong sa loob ng utak ko

Mga boses na nagsasabing,
"Sumuko ka na
Sumuko ka na dahil wala ka nang kawala.
Sumuko ka na dahil alam mong wala ka ng pag-asa.
Sumuko ka na dahil dumating na ang pinakahihintay mong huling pangangapa.
Sumuko ka na dahil sirang-sira ka na.
Sumuko ka na dahil hindi mo na kailan mababago pa
ang napili mong takbo ng iyong istorya."

Kelan ba nasasabing ang isang tao ay sumuko na?

Kapag ba sinasabi na ng mga bibig nito?
Kapag ba tuluyan niya nang binitawan ang hawak-hawak niyang utak at puso?
Kapag ba tumalikod na siya sa mga pasanin niya sa mundo?
o kaya naman, kapag ba naisipan niya nang lisanin ito?

Maraming mga tao ang bulag at bingi sa katotohanan.
Hindi bingi at bulag dahil ito ay kanilang natural ng kapansanan,
kung hindi, sila mismo ang nagpipiring sa kanilang sarili at sinusunod ang mga boses na sinasabi ng nakararami
Kahit pa man alam nila sa sariling ito'y walang kasiguruduhan

Wala silang pakialam hangga't magawa lamang ang kanila ring ginagawa, walang pakialamanan.
Hangga't sumusunod sa uso at pinagpapalak ng buong mundo, gagawin nila ang lahat ng kanilang gustoto.

Dito tayo nagkakamali
Sa sobrang pagkakahangal na sumunod sa kung ano ang sikat kesa sa nararapat, nagkakaligtaang may mga mas kailangang pakinggan, bigyan ng pansin at usyuso

Ang mga taong malapit nang tumalon sa bingit ng kamatayan
Mga taong handa nang isuko ang mga pangarap at pagkakakilanlan.
Sa paniniwalang walang mararating ang kanilang maliliit pagsusumikap na magkaroon ng dahilan ang kanilang buhay
Na kailanman ay tila ba ang araw ay hindi magbubukang-liwayway.

Tabula Rasa #PoetryCompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon