Dahil sa Wattpad
Ako ay naging tamad
Palaging nakatutok sa cellphone na lagi kong hawak
Matagal matulog at matagal ding gigising
At ito ay nakasanayan ko na rin
Dahil sa Wattpad
Ako ay may maraming asawa
Nakikipagtalunan kapag may aagaw sa kanila
Pero sa katotohanan ay wala tayong laban
Dahil ito ay munting pangarap lamang
Dahil sa Wattpad
Ako ay umibig
Umibig sa taong hindi magiging akin
At ang mas masakit na realidad
Ay hindi sila totoong tao
Dahil kathang isip lamang sila na binuo ng mga sikat na manunulat na aking iniidolo