ItsuraYan na ang basehan ngayon
Pag maganda ka
Sinasamba ka
Pero pag pangit ka
Nilalait ka
Hindi pa pwedeng maging patas?
Yung Panginoon nga natin hindi tayo hinuhusgahan
Ikaw pa kayang nilikha niya lang
Big deal na sa lahat kung ano ang itsura mo
Mag ayos ka lang ng konti
Sasabihan kana agad na malandi
Hindi ba pwedeng mag-ayos kahit konti?
Pag may maganda kang itsura
Priority kana agad nila
Pero kapag pangit ka
Halos kadirian kana nila
Pare-pareho lang naman tayo na mga tao
Pero bakit hindi pantay ang mga trato?
Minsan napaisip nalang ako
Kung maganda ba lahat ng tao?
Patas ba lahat ng trato?
Yung iba, hindi din naman kagwapohan at kagandahan
Pero wagas kung makalait
Akala mo kung sino