Walang Tayo
Pero bakit pakiramdam ko ay mahal mo rin ako?
O sadyang guni-guni ko lang ito
Walang Tayo
Pero mahal kita
Ang tanong, ako ay mahal mo rin ba?
Walang Tayo
Ngunit ako ay nagagalit
Nagagalit sa mga taong sa iyo lumalapit
Wala naman pala talaga akong karapatan na makaramdam ng ganito
Dahil sa una palang,
WALA naman pala talagang TAYO