Ba't pa nauso ang salitang 'pangako'
Kung ito naman ay mapapako?
Kung alam mo sa sarili mo na hindi mo kayang gawin
Huwag mo nang pilitin
Dahil makakasakit ka lang ng damdamin
May pangako kapang nalalaman
Eh hindi mo naman pala kayang panindigan
Kung hindi mo kaya
Nagsabi ka sana
Para walang umaasa
Sa panahon ngayon takot na silang magtiwala
Nang dahil sa 'pangakong' salita
Mas mabuti nalang yung hindi siya nag-iwan ng salitang pangako pero natupad niya ang inyong kasunduan
Kaysa naman sa taong nangako nga sa'yo pero hindi naman pala kayang panindigan ang inyong kasunduan