Ako ay isang tagahanga mo lamang
Na kailanman hindi mo magugustuhan
Gusto ko na ako ang iyong kasama palagi
Pero kahilingan ko'y hindi mawari
Nais na ikaw ay makasama
Ngunit ipinagdamot ng tadhana
Gusto kitang mayakap ng mahigpit
Sa tapat ng langit
Hindi ko ikinakahiyang sabihin
Na ikaw ay mahal sa akin
Pangarap kita
Ngunit pangarap mo ay iba
Masakit man isipin
Pero dapat itong tanggapin
Ako ay tagahanga mo lamang
At hindi yan mapapalitan kailanpaman