Mahal koSana ay huwag kang magbago
Kahit tayo ay magkalayo
Palagi ka pa ring nasa isip at puso ko
Kahit na ako'y may pagkaisip-bata
Sana ay huwag kang magsawa
Mahal ko
Kahit ako ay pasaway
Makakapiling pa rin sana kita habangbuhay
Sana huwag kang magbago
Dahil tanggap kita sa kung ano man ang pagkatao mo
Pero anong nangyari ngayon?
Bakit ka lumisan?
May nagawa ba akong kasalanan?
Ipaintindi mo naman sa akin ang lahat
Pagod na akong umiyak
May bago na ba?
Kaya ka nagkakaganyan?
Ano bang meron siya na wala ako?
Bakit siya ang pinili mo?
Gayong nandito naman ako
Na nagmamahal sayo ng tapat at totoo