Pag-ibigAno nga ba ang pag-ibig?
Pitong letra
Isang salita
At napakarami nitong katangian
Para sakin
Ang pag-ibig ay hindi lamang puro kaligayahan
Dahil kapag nasobrahan sa kaligayahan
Tiyak na may kapalit itong sakit na mararamdaman
Para sa'yo ano ang kahulugan ng pag-ibig?
Katulad din ba ito ng mga nababasa mo?
Na handang isakripisyo ang sarili para sa pinakamamahal mo?
At gagawin ang lahat para makamtan ang hinahangad?
Marahil ganyan nga ang pag-ibig
Dapat handa kang masaktan sa kung ano man ang kinahihinatnan