Ako ay nabighaniSa iyong mga ngiti
Sa lahat ng mga ngiti na nakikita ko
Ang iyo ang aking paborito
Ngiti mo palang ay masaya na ako
Paano pa kaya ang tawa mo
Dahil sa iyong mga ngiti
Kusa ring napapangiti ang aking mga labi
Ang ngiti mo ay parang gatas
Dahil ito ay nagbibigay sa akin ng lakas
Sa iyong mga ngiti
Ako ay napaibig
Kung makikita ko kasi ito
Lumalakas ang tibok ng puso ko
Korny man kung ito ay pakinggan
Pero ito talaga ang aking nararamdaman